Bandang Lapis
Pagsisisi
[Intro]
Patawarin mo ako sa lahat ng aking kasalanan
Pinagsisihan ko ang lahat
Sa pagkakamali ko sa'yong nagawa

[Verse 1]
Hinatak na ng hangin
Nilamon na ng lupa ang ating pagmamahalan
'Di ko akalain na magkakaroon ng lamat
Matagal nating pagsasama, 'di ko sinasadya
Maakit sa diwatang nababalot ng hiwaga

[Pre-Chorus]
Dahil naging marupok na parang kahoy
Ang puso kong ito

[Chorus]
'Di na muling pagtatagpuin
Ang mga pusong nilason ng tadhana
'Di na kita mababalikan
Dahil sa lahat ng nagawa ko sa'yong kasalanan, kasalanan

[Verse 2]
Matagal kong pinag-isipan
Kung tama ba ang landas na aking tinatahak
'Di ko inaakalang naliligaw na pala ako ng daanan
Imbis na lumalapit napapalayo sa iyo ang aking sarili
[Pre-Chorus]
Dahil naging marupok na parang kahoy
Ang puso kong ito

[Chorus]
'Di na muling pagtatagpuin
Ang mga pusong nilason ng tadhana
'Di na kita mababalikan
Dahil sa lahat ng nagawa ko sa'yong kasalanan

[Bridge]
Bakit nangyari sa'tin to?
Nawala ang lahat

[Chorus]
'Di na muling pagtatagpuin
Ang mga pusong nilason ng tadhana
'Di na kita mababalikan
Dahil sa lahat ng nagawa ko sa'yong kasalanan
Kasalanan, kasalanan