Pwede rin namang hindi tayo nagkatagpo
Pwede rin namang iba ang tawag ng puso
Pwede rin namang sariling tinig ay 'di na tuklasan
Pwedeng wala ngunit nariyan
Pwede rin namang walang mga titik at himig
Pwede rin namang walang gustong makarinig
Pwede rin namang walang naidulot ang bawat hakbang
Ngunit may ro'n, anong dahilan?
Pwedeng hindi; bakit oo?
Pwedeng ganon; bakit ganito?
Sa lawak ng pagpipilian, bakit kaya tayo ang nariyan?
Nariyan? Nariyan? Nariyan?
Sunod-sunod, nag uumapaw! (Nariyan!)
Walang patid, nakamamangha! (Nariyan!)
Pag-ibig n'yang nakasisilaw!
'Pagkat sa bawat nariyan, siya ang sanhi at simula
Lahat, lahat, lahat ay biyaya!
Pwede rin namang hindi umalab ang sindi
Pwede rin namang hindi sumibol ang binhi
Pwede rin namang matagal nang nakaabot sa hangganan
Ngunit narito, naroon, nariyan!
Pwedeng hindi; ngunit oo!
Pwedeng ganon; ngunit ganito!
Kaya ngayon, walang sawang nagdiriwang tayo
Sa ngalan ng Diyos ng nariyan!
Nariyan! Nariyan! Nariyan!