[Verse 1]
Halos 'di na makatulog
Dahil nagungulila sa 'yo (Miss na kita)
Hinahanap-hanap ang yakap mo
Pahinga saglit sa mundong magulo
Lumipas na ang apat na buwan
Umaasa pa rin na ika’y mahagkan
Akala natin isang linggo lang
Sinulit na sana kung alam ko lang
Kung alam ko lang
[Chorus]
Makakauwi ka rin sakin
Kahit pa matagal
Ikaw ay hihintayin
Gano'n kita kamahal
(Kelan ba? kelan ba?)
(Ayoko nang mag-isa)
[Verse 2]
Araw-araw kang kausap
Pero parang 'di pa rin sapat
Nasanay na kasama ka
Ang hirap tuloy ngayon mag-isa
Kelan ba makakasama
Kasi parang matagal pa
Tiis tiis na lang muna
Babawi rin 'pag pwede na
[Chorus]
Makakauwi ka rin sakin
Kahit pa matagal
Ikaw ay hihintayin
Gano'n kita kamahal
[Bridge]
Ilang tulog pa ba
Hanggang sa makita kita
Ilang tulog pa ba
Hanggang sa makita kita
[Chorus]
Makakauwi ka rin sakin
Kahit pa matagal
Ikaw ay hihintayin
Gano'n kita kamahal
[Outro]
Pwede bang humiling (Kahit saglit)
Na ika'y makatabi
Mayakap saglit (Hintayin)
Kelan ba kelan ba ulit?