JRLDM
IISA
[Intro: jikamarie]
No, hey
Ooh-woah, oh-oh
Hey, hey

[Verse 1: jikamarie]
Ilang taon na rin ang nakalipas
Na huli kitang
Masilayan, matitiga't makausap
Matagal ding nangulila sa iyong mga mata (Iyong mga mata)

[Pre-Chorus: jikamarie]
Kamusta ka na ba?
Mayro'n bang nag-iba?
Sana kahit papa'no ay ngumingiti ka pa
At 'wag mag-alala dahil sa araw-araw iniisip kita

[Chorus: jikamarie]
At sa'n man mapunta
Babalik pa rin sa'yong tabi, sinta
Parang walang nag-iba
At parang 'di man lang lumipas panahon
At uuwi pa kahit umulan o umambon
Dahil walang kahit sino o ano man makahahadlang
Sa'ting dalawa 'pagkat tayo'y iisa
[Verse 2: JRLDM]
Magkikita rin naman tayo sa dulo
Kahit sa pagtulog ay tumatakbong patungo
Sa'n mang sulok ng kaisipan
'Di mo lang alam, yeah
Gabi-gabi ko nang gusto makita
Kaso may pagitan sa puwang
Kung pwede lang kaagad mapunta d'yan
Kung pwede lang, yeah, yeah

[Pre-Chorus: JRLDM]
Kamusta ka na ba?
Mayro'n bang nag-iba?
Sana kahit papa'no ay ngumingiti ka pa
At 'wag mag-alala dahil sa araw-araw iniisip kita (Kita, kita)

[Chorus: jikamarie & JRLDM, (jikamarie)]
At sa'n man mapunta
Babalik pa rin sa'yong tabi, sinta
Parang walang nag-iba (Nag-iba)
At parang 'di man lang lumipas panahon
At uuwi pa kahit umulan o umambon
Dahil walang kahit sino o ano man makahahadlang
Sa'ting dalawa 'pagkat tayo'y iisa (Tayo iisa)

[Outro: JRLDM, jikamarie & JRLDM, (jikamarie)]
At sa'n man mapunta (San man mapunta)
Babalik pa rin sa'yong tabi, sinta (Babalik pa rin, 'yong tabi, sinta)
Parang walang nag-iba (Parang walang nag-iba)
At parang 'di man lang lumipas panahon (Lumipas panahon)
At uuwi pa kahit umulan o umambon (Kahit umulan o umambon)
Dahil walang kahit sino o ano man makahahadlang
Sa'ting dalawa 'pagkat tayo'y iisa