JRLDM
Para Sa Sarili
[Verse 1]
Dami ko na yatang nainom (Yeah)
Bakit pati sarili ko ay tinatanong? (Yeah)
Saan na ba patungo 'tong buhay kong magulo
Utak at ang puso, bakit 'di magkasundo?
Pwede ba na teka lang?
Pwede ba na teka lang?
Teka lang
Pwede ba na teka lang?

[Verse 2]
Aakyat ako sa gubat
Maglalangoy sa ulap
Dala-dala ko ay problema ko at bibitawan
Aking iilawan, bahaging madilim
Kailangan ko na matutunan kung pa'no tanggapin
Ang buhay, ha-a-aay, ha-a-aay, ha-a-aay

[Verse 3]
Dami ko na yatang nainom
Maghapon nang paikot-ikot ang pulang kabayo
Gusto munang lumayo (Ayy)
Sumakay sa kotse, mag-shroom at karaoke
Hanggang alas-dose (Hanggang alas-dose)
Ang dami ko nang nainom
Tapos may narinig na tunog (Yeah)
Nong-ning, nong-ning, nong-ning, nong-ning
[Interlude]
Rap-pa, ra-ra-ra-ra-rapsa, ra-ra-ra-rap
Rap-pa, ra-ra-ra-ra-rapsa, ra-ra-ra-rap

[Verse 4]
Bumabagsak na ang talukap, matutuyo ang luha
Gusto ko lang labanan ang aking nadarama
Magpalutang-lutang muna nang pansamantala
Sarili ko naman na muna
Bumalik tayo sa una (Magsimula uli)

[Verse 5]
Dami ko na yatang nainom
Nahihilo na ang isip ko sa dami ng tanong
May demonyo na sumingit bigla na lang bumulong
Pero kailangan ng sarilia ay palaging ma-kontrol (Uh)
Kahit na pagod na pagod ako
Takbo lang nang takbo
Okay, magiging okay din ako

[Outro]
Dami ko na yatang nainom
Lumalalim na ang himig ng aking bawat tugon (uh)
Dami ko na yata, kay sarap maging malaya