Noah Alejandre
Entablado
[Verse 1]
Sumandal na dito sa akin
Alam kong pagod ka na sa buhay na ito
Magpahinga ka muna, 'wag sanang sumuko
Andito lang ako
Da-ra-ra-ram, da-ra-ra-ta-ta-tam, mm

[Chorus]
'Di man tayo ang nasa gitna ng entablado
Pero ang mahalaga'y hindi ka pa sumuko
Kahit na wala ka nang mapuntahan
Ayaw ko sana mawalan ka nang pag-asang lumaban
Andito lang ako

[Verse 2]
'Wag na sanang sisihin ang sarili
Ipaubaya mo na lang ang 'di maintindihan
Pagbigyan na muna ang sarili
'Di mo na kailangang mag-isa
Andito lang ako, oh-woah, oh

[Chorus]
'Di man tayo ang nasa gitna ng entablado
Pero ang mahalaga'y hindi ka pa sumuko
Kahit na wala ka nang mapuntahan
Ayaw ko sanang mawalan ka nang pag-asang lumaban
Andito lang ako
[Outro]
'Di man tayo ang nasa gitna ng entablado