Yasmin Asistido
HUWAG KANG GAGAWA
[Verse 1]
Huwag, huwag kang gagawa ng hindi kanais-nais
Sa mga taong nakapaligid sa ‘yo
At higit sa lahat
Huwag, huwag kang mananakit o manlalait basta-basta

Huwag kang magsasabi ng hindi kaaya-ayang bad words

Huwag, huwag kang maninira
Puro ka pakalat ng fake news

[Verse 2]
Pawang kasinungalingan naman ang lahat
Hindi makakatohanan
Hindi na ‘to makatarungan!

Mananaig pa rin ang kabutihan
Laban sa kasamaan
Kapag kaharap mo na sila
Nagiging mabait bigla
Kapag nakatalikod ka na
Kung ano-ano sinasabi sa ‘yong mga paninira

Ni wala ka ngang ginagawang masama sa kanila Para gawin nila ‘yun sa ‘yo

Kung alam mo namang
Wala ka namang ginagawang mali sa kanila
Tapos puro ka paninira, mananakit, manlalait
At kung ano-ano pang pambabato sinasabi n’yo sa akin
[Chorus]
Huwag kang gagawa ng ganun sa kanya
At sa ibang tao na nakakasalamuha mo araw-araw

Dahil doon hindi mo alam
Nakakapahamak ka na
At nakakasakit ka na ng damdamin

Hindi mo ba alam?
Ang mga pinag-gagawa mo
Ay nagdudulot ng bad influence sa mga kabataan
At ‘pag nakita nila ito
Panigurado akong baka gayahin nila ito

Hindi mo ba alam?
Na pwedeng mangyari
‘Pag pinagpatuloy nyo pa
Yung pambubully nyo sa kanya
Pwedeng ma trauma siya
O kaya naman mag suicide na lang basta
Dahil ‘di na niya nakayanan ang kanyang depresyon na pinagdadaanan
Dahil sa pambubully n’yo

Mag dahan-dahan ka naman sa pananalita mo
Sa mga binibitawan mong salita
May oras pa para mag bagong buhay
Sa huli’t huli talaga ang pagsisisi

Sigurado akong di mo na ‘to uulitin
Dahil may nangyari sa kanya
Dahil sa kagagawan mo pambubully mo sa kanya

Huwag, huwag kang gagawa ng hindi kaaya-aya
Huwag, huwag kang gagawa ng hindi kaaya-aya

Kung ayaw mo gawin sa ’yo
‘Wag mo gawin sa iba!
Ganun lang kadali
Ganun lang kasimple