Yasmin Asistido
SOCIAL DISTANCING
[Refrain]
Hindi biro ang ating hinaharap na krisis na COVID-19
Dahil sobrang hirap mapugsa ang COVID-19 na ito
Hindi ganun kadali ‘yun

[Verse 1]
Kung tayo’y hindi pa rin sumusunod sa bayan
Kung tayo’y hindi magkakaisa o magtutulungan

Patuloy pa rin ang hindi pagsunod sa social distancing
Dikit-dikit pa rin ang mga tao
Sa gitna ng kalamidad na hinaharap natin

Mahihirapan tayo lalo mapahinto
Ang kumakalat na COVID-19
Kung tayo’y hindi sumusunod pa rin

[Verse 2]
Mapapadali natin mapapa-alis ang COVID-19
Kung tayong lahat ay sumusunod sa social distancing
Ugaliin po natin sumunod sa patakaran

Lalo na’t para sa ating kapakanan ng lahat
Para hindi na ‘to lumago pa

Sa tuwing tayo’y lalabas
Kailangan isa-isa lang
Hindi dalawa kundi isa lang
‘Pag lalabas tayo which is kung kailangan talaga
Like, you buy food or anything else
Wag kalimutan ang social distancing
Para hindi na dumagdag
Sa bilang ng COVID-19

Tiwala lang
Matatapos na rin ‘tong krisis na ‘to
Basta’t sumunod lang

[Chorus]
Hindi n’yo kasi alam na sobrang hirap ng pinagdadaanan
Lalo na yung mga frontliners
Na inaaala ang bawat isa sa ‘ting lahat
Pati ang ating pamahalaan

Ang hirap ng ginagawa nila
Hindi n’yo ba alam?
Malayo sa piling ng kanilang mga magulang
Matugunan lamang ang pangangailangan nating bayan

Mga frontliners nagsisikap tugunan
Ang mga pangangailangan ng mga pasyente nila
Hindi sila hihinto hangga't hindi bumabalik sa kondisyon ang buhay nila

Mga tanod, security at sa lahat ng frontliners na patuloy ang pagbabantay sa ‘tin lahat
Sa gitna ng kalamidad na ating tinatahak sa COVID-19 na ‘to!
Pero tayong mga Pinoy
Hindi pa rin mapagsabihan na ‘wag nang magdikit-dikit
Sa daan na ‘wag magsiksikan

Tayo ang nagpaparami ng dagdag na case na COVID-19
Mapapababa natin sana yung case
Kung tayo’y susunod
Filipinos and all over the world

Social distancing
Distanya naman mga Filipinos and all over the world