[Refrain]
Dito sa Kapuso π
Bawat isa'y magtulungan, magmahalan
Tayo-tayo din naman sa huli magdadamayan, magkakaisa
Sama-sama tayong lahat
[Verse 1]
Kapuso π Kapuso π Kapuso π ang sinisigaw ng bayan
Luzon, Visayas, at sa Mindanao
Sa'n mang sulok ng mundo ay walang magkakawatak-watak
Lahat nagsasama-sama
[Chorus]
Kapuso π Kapuso π Kapuso π
Isa lang ang meron tayo
Ang pagmamahalan natin bawat isa
At pagbibigayan na bukal sa kalooban natin sa abot ng ating makakaya
Tutulong at tutulong tayo sa sanlibutan
Wala nang makakapantay pa doon
Wala ng mas mahihigit pa doon
Kahit anuman ang istasyon ang kinabibilangan mo ngayon
Mala Kapamilya man 'yan, Kapuso, Kapatid
Dapat ay pantay-pantay, walang gulo, walang away
Magmahalan lang tayo dahil sa huli't-huli
Tayo din naman magtutulungan, pagbibigayan sa huli
Iba talaga ang nagagawa ng
Kapuso π
Kapuso π
Kapuso π
Ang ligaya, pagmamahal, at lalo na ang pagbibigayan sa bawat isang mamamayang Pilipino at sa sanlibutan