Yasmin Asistido
KAYA KO PA BA?
[Refrain]
Ilang daan o araw man ang lumipas
Kala ko may mangyayari o magbabago
Pero 'di naman pala ganun
Naniwala lang pala ako sa umpisa
Ayun naman pala
Hanggang salita na lang
Hindi naman tinutuloy
Yung pinangakong binitawan mo nung una

[Verse 1]
Sa bawat layag ng ating layunin
Hindi mo, hindi mo masasabi
Kung hanggang kailan ka
Magpapatuloy sa ginagawa mo
Kaya't hanggang kaya mo pa
Gawin mo lang kung anong nagpapasaya sa 'yo

Hanggang sa umabot na lang
Sa punto na nalaman mo na lang
Na hindi ka na masaya sa ginagawa mo
Hindi na rin worth it ang mga nangyayari
Na nauwi na lang sa pako ang lahat

[Chorus]
Kaya ko pa ba?
Kaya ko pa kaya
Magsimula ulit ng bagong yugto
Kaya ko pa ba?
Kaya ko pa kaya
Ibigay ang tiwala na minsan nang nabalewala
At hindi pinahalagahan nang husto
Kaya ko pa ba?
Kaya ko pa kaya
Magsimula ulit ng bagong yugto
Kaya ko pa ba?
Kaya ko pa kaya
Ibigay ang tiwala na minsan nang nabalewala
At hindi pinahalagahan nang husto

Kaya ko pa ba?
Kaya ko pa kaya
Kakayanin pa rin
Kahit madapa ka man
Bumangon ka pa din
Alang-alang sa mga mahal mo sa buhay
Dahil ikaw lang yung inaasahan nila

Kung wala ka
Paano na mga mahal mo sa buhay?
Paano sila mabubuhay nang mapayapa?
Paano mo sila maiaahon sa kahirapan?
Kung wala ka na
Wala nang kakayod sa pang-araw-araw ninyo

Kaya dapat laban lang
'Wag bibitaw, bangon pa din
Kaya ko pa ba?
Kaya ko pa ba?