[Refrain]
Sa bawat paglalakbay ng ating tinatahak ngayon
Hindi natin masasabi kung hanggang kailan tayo mabubuhay
Kaya't habang nabubuhay pa tayo sa mundong ginagalawan natin
Gawin na natin ang mga nararapat na misyon natin
Isa-isahin natin yung mga hindi pa natin nagagawa
[Chorus]
Sa kabila ng ating pinagdadaanan ngayon
May dinadaing kang karamdaman o kapaguran o kabiguan sa buhay
Ito na naman tayo
Lagi mo na lang sinasabi na napapagod ka na
Gusto mo nang bitawan lahat-lahat ng iyong sinimulan
Sabi mo pa nga nung una na gusto mo nang tapusin lahat
Na gusto mo na ring magpahinga
Gusto mo na ring matulog, tulog, tulog, tulog na, tulog na
Kahit nahihirapan ka na noon
Tinutuloy mo pa rin
Kahit na nanghihina na tuhod mo, paa mo
At sa lahat ng iyong dinadaing
Nagagawa mo pa din lahat-lahat noon
Para lang mabuhay kami sa pang-araw-araw
Kumakayod ka pa din
Kahit na sa maulan o mainit na panahon noon
Tuloy ka pa din
Hindi mo dinadaing ang iyong karamdaman mo
Pero ngayo'y hindi mo na kaya
Kami naman ngayon ang aakay sa 'yo
Mula ngayon hanggang sa iyong huling hantungan
Kami pa rin ay nasa likod mo
Ngayo'y tulog ka na, tulog ka na
Ngayo'y tulog ka na, tulog ka na
Hindi ka na mahihirapan pa
Ngayo'y tulog ka na, tulog ka na
Pangako ko'y iingatan ko ang iyong huling mensahe
Susundin ko at pinakaiingatan ko 'to hangga't ako'y nabubuhay pa sa mundong ibabaw
Hangga't ako'y malakas pa
Hangga't kaya pa ng katawan ko