[Refrain]
Eto na naman tayo
Litong-lito kung pa'no sisimulan
Kung pa'no babudgetin yung savings mo
Kaya hinay-hinay lang beh sa gastos
[Chorus]
Sa bawat tinatahak natin sa pang-araw-araw na buhay
Para lang magkaroon ng magandang kinabukasan at maiahon sa hirap at ginhawa ang mga mahal natin sa buhay
Kahit na abalang-abala tayo sa trabaho
Minsan puyat, walang tulog
Kahit pagod man tayo sa trabaho
Pinagpapatuloy pa din natin
'Wag natin isipin na hindi natin kaya
Masusulusyunan din natin 'yan
'Wag lang natin isantabi na lang basta-basta ang nasimulan natin
Isipin mo na lang alang-alang na lang sa ating kinabukasan ng ating mga mahal sa buhay
Sila ang nagtitibay ng kalakasan mo upang mas tatagan mo pa lalo
'Wag mahinaan ng loob sa lahat man ng ginagawa mo sa pang-araw-araw
Kagaya na lamang ng gastos sa ating tahanan
Yung mga Meralco, tubig, internet, pangkain sa pang-araw-araw natin
Iba pang pangangailangan sa tahanan
'Wag mong ubusin nang isang bagsakan yung savings mo
Para 'pag may kailangan ka mabibili mo agad o pang-emergency na kakailanganin mo
May pagkukunan ka agad ng pera
'Pag nagkataon kailangan uunti-untiin mo lang yung mga mahahalagang bagay na dapat bilhin
Hindi yung isang bagsakan
'Wag ganun, kailangan matipid tayo
Para 'pag nagkataon sa oras ng kagipitan may pagkukunan ka ng pera for your future or goals in your life
Kailangan mo din magtabi ng para sa 'yo at sa pang-araw-araw
Syempre 'wag mong gastusin nang isang bagsakan yung savings mong pera
Kasi syempre, pinaghirapan mo 'yan
Hindi basta-basta nakukuha ang pera
Pinagtatrabahuhan at pinaghihirapan bago makuha
Sa madaling salita pinagpaguran mo 'yan ng isang buwan
Tapos 'wag mo namang sayangin na parang bula
'Wag mong ubusin nang isang agaran
Dapat maging wais ka sa pera o maging listo ka
Dapat pag-isipan mo nang mabuti bago ka gumastos
'Wag yung gastos ka nang gastos, uy uy uy
Kailangan matipid ka