Juan Caoile
Boses Mo
‘Pag ikaw ang kasama
Parang ako ay wala nang
Hiling kasi nga masaya na
Bawat halik mo ako'y napapahawak

Ikaw ang nagdala sa ‘kin sa langit
Kaya parang ayaw ko nang bumalik
Hindi ka patatahimikin magmumulto
Balahibo mo'y patatayuin

Ikaw naman lalagnatin
Pero alam ko na gustong-gusto mo din
Na idiin ko nang idiin
Bawat mahal kita na aking babanggitin

‘Wag kang mag-alala
Wala nang mawawala
Sa ating dalawa
Tayo at tayo hanggang sa hangganang wala

‘Di na marinig kung maingay ba (‘di na, ‘di na)
‘Di na alintana kung mangalay pa (mangalay pa)
Oh hoh woh woh
Mga boses mo kay ganda ng tono
‘Yan parati ang hanap ko
Nag-iisa
Ako ay sawa nang gan’to
Ako ay samahan mo
‘Di ko kaya ang lungkot
Nag-iiba ako
‘Pag ika'y narito
Sayang dala mo
‘Wag sanang ipagdamot

Malamig ang gabi't maitim ang kalangitan
Ika’y magkatabi kaya bitui'y magsisilipan
Kahit na maginaw para bang nag-iihaw
Ang singaw basta ba ikaw hindi ako pihikan

Gustong marinig ang iyong pagsang-ayon
Oo lang nang oo buong maghapon
Susuyurin ang bukirin sisisirin ang karagatang
Malalim kasabay ng mga malakas na alon

Wala man sa silid-aklatan tayo ay magbabasa
‘Di puputok basta-basta kasi ‘di nakakasa
Hanggang ang kamay mag-iba tayo'y gagawa't
Makakaramdam ng sakunang may malakas na pag-uga
Kalupaan ay mabibiyak ‘pag sa ‘kin ka bumagsak
‘Wag kang matakot ako'y nakatitiyak
Na ligaya ang rason kung ba't ka mapaiiyak
‘Di na marinig kung maingay ba (‘di na, ‘di na)
‘Di na alintana kung mangalay pa (mangalay pa)
Oh woh woh
Mga boses mo kay ganda ng tono
‘Yan parati ang hanap ko

Nag-iisa
Ako ay sawa nang gan’to
Ako ay samahan mo
‘Di ko kaya ang lungkot
Nag-iiba
Ako ‘pag ika'y narito
Sayang dala mo
‘Wag sanang ipagdamot

Nag-iisa
Ako ay sawa nang gan’to
Ako ay samahan mo
‘Di ko kaya ang lungkot
Nag-iiba
Ako ‘pag ika'y narito
Mga boses mo
‘Yan parati ang hanap ko