NAVI - Panaginip

Kumalma hindi ka

Nag isa



Lika na sakin ay sumama ka



Ano na? nasan ka naba?



Tara na doon tayo pumunta

Sa..



Isla na payapa na

Ikaw lang at ako



Ikaw lamang ang

Kasama walang manggugulo



Pag masdan ang dagat

Habang tayo ay kalmado



Wag ka mag turo

Baka tayo ay manuno



Kung paniginip to

Wag niyo na akong gisingin



Masaya akong langhapin

Sariwang hangin



Kasama ang binibini

Na para saakin



Wag niyo akong gisingin

Baka ako'y mabitin



Gusto ko pa makasama

Ang aking binibini



Pag hawak ang kamay

Parang premyo ni kuya willie



Na wili kaya ako'y

Tulog tuwing gabi



Pag ako ay nagising

Wala na kong binibini



Gusto laging tulog

Para lagi ko siyang kasama



Kapag ako ay gising

Lagi ng nagiisa



Walang ginagawa

Laging tropa ang kasama



Kung pwede lang laging

Tulog para laging nakikita



Ang..



'yong mga mata na

Kumikinang sayong ganda



Laging sinasabi na

Sana totoo na



Sa aking pag mulat

Sana ay makita ka



Kapag nakita ka

Tsak na mundoy mag iiba



Pag akoy na nanaginip

Parang nasa kalawakan



Tinamaan ang puso kong

Walamg kalaban laban

Hindi gumagamit para barilin

Ni kupido



Ang puso di akalaing

Tagos sa puso mo



Pambihira! sobrang pambihira

Ng tadhana



Pati sa panaginip

Ako'y laging umaasa



Ano ba?! bakit nagkaganto na



Ang taong gusto mapasakin

Ayaw ipakita



Hindi makata pero

Kayang bigyan ng talata



Walang halimbawa pero

Kaya kong ipasa



Ito ay lalapatan

Kahit malabo ang mata



Kahit ang katotohanan

Panaginip lang pala