Himig Heswita
Pagkabighani
Hindi sa langit Mo
Pangako sa akin
Ako naaakit na Kita'y mahalin


At hindi sa apoy
Kahit anong lagim
Ako mapipilit muli Kang sambahin
Naakit ako nang Ika'y mamalas
Nakapako sa cross
Hinahamak-hamak
Naaakit ng 'Yong katawang may sugat
At nang tinanggap
Mo'ng kamataya't libak
Naaakit ako ng Iyong pag-ibig
Kaya't mahal kita
Kahit walang langit
Kahit walang apoy
Sa 'yo'y manginginig
'Wag nang mag-abala
Upang ibigin Ka
'Pagka't kung pag-asa'y
Bula lamang pala
Walang mababago
Mahal pa rin Kita