Himig Heswita
Hangarin Ng Puso Ko Yahweh
[Chorus]
Hangarin ng puso ko, Yahweh
Makapagkaisang-loob sa Inyo
Nang lubusan at taimtiman
Hangarin ng puso ko, Yahweh
Makapagkaisang-loob sa Inyo
Nang lubusan at taimtiman
[Verse 1]
Mapalad siyang hindi naaakit ng masama
Sa palalong buhay, 'di mapariwara
Kayo’y nais niyang kapisan at tinig Niyo'y laging hanap
Galak Niyang kayo ay matagpuan gabi at araw
[Chorus]
Hangarin ng puso ko, Yahweh
Makapagkaisang-loob sa Inyo
Nang lubusan at taimtiman
[Verse 2]
Katulad Niya'y luntiang punong nakatanim
Katabi ng umaagos na batis
Ang bawat Niyang mithiin, ang bawat Niyang gawain
Nagtatagumpay, nagbubunga ng kapayapaan
[Chorus]
Hangarin ng puso ko, Yahweh
Makapagkaisang-loob sa Inyo
Nang lubusan at taimtiman
[Verse 3]
Hangarin ng puso ko, O Yahweh ng buhay ko
Masumpungan Ka sa sangnilikha
Nang habambuhay
[Chorus]
Hangarin ng puso ko, Yahweh
Makapagkaisang-loob sa Inyo
Nang lubusan at taimtiman
[Coda]
Hangarin ng puso ko, Yahweh (Hangarin ng buhay ko, Yahweh)
Magkaisa ang loob ko sa Inyo