Himig Heswita
Sa Dapit Hapon
[Verse 1]
T'wing dakong dapit-hapon, minamasdan kong lagi
Ang paglubog ng araw, hudyat ng takipsilim
Ganyan ang aking buhay, kung may dilim ang buwan
Hihiwa't sa baybayin sa pagsapit ng dilim
[Verse 2]
Kung magawa ko lamang ang hangin ay mapigil
At ang dilim ng hatinggabi, huwag sanang magmamaliw
Upang ang palakaya ay laging masagana
Sa tangan kong liwanag at ang kawa'y lalapit
[Refrain]
Nang dakong dapithapon, piging ng Panginoon
Sa mga kaibigan ay mag-huling hapunan
[Verse 3]
Sa bagong salusalo, nagdiriwang ang bayan
Ang tanging kanyang hain ay sarili Niyang buhay
[Refrain]
Nang dakong dapithapon, piging ng Panginoon
Sa mga kaibigan ay mag-huling hapunan
[Verse 3]
Sa bagong salusalo, nagdiriwang ang bayan
Ang tanging kanyang hain ay sarili Niyang buhay