Gloc-9
Tula
[intro]
Yeah
Marahil ay iniisip niyo kung anong klaseng awitin ang inyong maririnig
Mga kakaibang awiting hango sa buhay ng isang tao na kung tawagin ay si Gloc-9
La la la la la la la la la la la la la

[Verse 1]
Nagsimula ang lahat ng aking hawakan ang lapis at papel, ako si Aristotle
'Sang studyante na tulad lang ng iba, walang magarang gamit o pera, ganon lang talaga ang buhay
Ngunit nang ako'y nagsimulang tumula
Ang lahat ay nabigla ako ang nasa gitna
At nalaman ko ang landas na aking dapat tahakin
Sinimulan kong hanapin ang buhay na para sa 'kin
Ngunit 'di naging madali ang napili kong kapitan
Parang sumakay ng bus na siksikan sa may Dapitan
Puno ng pawis at luha ang sa 'kin ay humamon
Para kang natatabunan pilitin mo mang bumangon
'Di naglaon ay puno na ng latay aking likod
Para lang sa mikropono lumalakad ng paluhod
Ngunit 'di ako nagpatalo kahit ano mang sabihin
Ng mga taong 'di naman nakakakilala sakin eh

[Chorus]
Sa 'kin ay makinig ng inyong malaman
Ang bawat nilalaman ng aking isipan
Sa 'kin ay makinig ng inyong malaman
La la la la la la la la la la la la la
[Verse 2]
Di niyo alam kung ano ba ang pinagdaanan ni Gloc
Masahol pa sa kalsada na punong-puno ng lubak
Umiiyak ako patuloy na nananalangin sumulat pa nang sumulat pinilit paring aralin
Nang sa, ngayon ay may makapansin sa 'king boses na parang binaggit mo ang pangalan ni Gaby Lopez (patay)
At di naglaon ay parang unti-unting nararating
Ako'y biniyayaan ng dalawang buhay kong hiling
Ngayon ay wala nang makakapigil, ako ay nanggigigil
Gusto mo mag-rap ako ang teacher at ikaw ang pupil
Tama na'ng pagalingan, tama na'ng paligsahan
Eto ang album ko may bago kang pag-aaralan
Sino ang amo mo sabihin sa kanya to
Di uubra lahat nang uhugin nyang liriko
Sa aking mga kaibigan ako'y nagpapasalamat
Lagi niyong isipin na hindi masama ang mangarap

[Chorus]
Sa 'kin ay makinig ng inyong malaman
Ang bawat nilalaman ng aking isipan
Sa 'kin ay makinig ng inyong malaman
La la la la la la la la la la la la la (2x)

La la la la la
La la la la la
La la la la la
Yuh, yuh