Omar Baliw
Isang Daan
[Intro: CLR]
'Wag mo muna 'kong gisingin
Managinip kang mag-isa
Dapat 'di ka isa sa mga mainipin
Kung hindi ko 'to kabisa
Malamang ay di ka makikinig saking mga sasabihin
Ngunit alam mo'ng puro ko
Lagpas 'sang daang pursyento 'to
Pusong sabik ay, di na muling mabibitin
Sa pagkakataong 'to mga mali ko'y 'di ko na uulitin
Pakitaga yan sa bato

[Verse 1: Rhyne]
'Wag kang matakot sumugal, kung para sa pangarap
Ibuhos mo ang todo mo, 'wag kang mag papaawat
Walang ibang tutulong, walang ibang yayakap
Kundi ang iyong sarili lang, kaya gawin ang dapat
Subok lang ng subok hanggang sa maka isa
Bigay mo ang lahat, wala namang mawawala
Tutukan ng maigi yan bago ang iba
Upang lahat ng mga nais mo ay mapasayo na
Wag kang mapagod mag isip, wag ka mainip
Tuloy ka lang sa pag hakbang kahit matarik
Man ang daan at kahit medyo patagilid
Ang sitwasyon 'wag mangamba dahil makakamit
Hindi na bale kung ika'y na sa may hulihan
Balang araw mangunguna basta gagalingan
Mabigat man mga hamon sayong nakadagan
Ay balewala kung iyo 'tong papalagan (Yeah, yeah, yeah)
[Chorus: CLR]
'Wag mo muna 'kong gisingin
Managinip kang mag-isa
Dapat 'di ka isa sa mga mainipin
Kung hindi ko 'to kabisa
Malamang ay di ka makikinig saking mga sasabihin
Ngunit alam mo'ng puro ko
Lagpas 'sang daang pursyento 'to
Pusong sabik ay, di na muling mabibitin
Sa pagkakataong 'to mga mali ko'y 'di ko na uulitin
Pakitaga yan sa bato

[Verse 2: Omar Baliw]
Ugh! Alam nyo na kung sino 'to
Dating batang naligaw at medyo nalito
Nalinawan lang din kaya ngayon ako'y narito
Tila buhay na patunay, gumagana ang pangarap
Grabe nga lang yung dinanas, 'di tumigil 'gang mahanap
Buti na lang 'di sumuko, 'di maagang bumigay
Yung kasama kong nagutom, kasama nang dumighay
May naiwan, may naglaho, meron pa rin sumusubok
May patuloy tumutubo, dun sa tsamba tumutusok
'Di maawat, 'di masisi; gusto lang kumawala
Yung pasanin sa balikat, gusto ko lang mawala
Simpleng buhay na kalmado, 'di na nag-aalala
Kitang kita saking lente, meron ng napapala
Yung iba natutuwa at may ibang natatawa
Yung iba walang bilib pa rin saking nagagawa
Pero 'di na din pansin kase hanap ko pahinga
Walang bigat sa puso, maalwan ang paghinga (Ugh!)
[Chorus: CLR]
'Wag mo muna 'kong gisingin
Managinip kang mag-isa
Dapat 'di ka isa sa mga mainipin
Kung hindi ko 'to kabisa
Malamang ay di ka makikinig saking mga sasabihin
Ngunit alam mo'ng puro ko
Lagpas 'sang daang pursyento 'to
Pusong sabik ay, di na muling mabibitin
Sa pagkakataong 'to mga mali ko'y 'di ko na uulitin
Pakitaga yan sa bato

[Verse 3: Droppout]
Subukan mo na ngumiti muli
Kahit na napaka hapdi pa ng kahapon
Sige yakapin lang ng mahigpit yang unan mo
Pero pag tapos nyan dapat ika'y bumangon
Panibago ang atake at mga tali
Na dudugtong muli sayo sa pangarap na dinale (Yeah)
Ng bulok na sitwasyon, tutok lang bigyang aksyon
Suntok lang sa ambisyon, ihanda mga rasyon (Woah!)
Wala ng ora-orasyon rekta ito sa puso at utak ng mga nakikinig
At patuloy na inaalay ang bawat sandali para sa pamilya
Naniwala't bumilib, Ikaw mismo ang iyong swerte kaya ingatan
Palakasin pagibig ang iyong anting-anting
'Wag ka mawalan ng panlasa't pagasa
Problema't corona puksain mo't daigin
[Chorus: CLR]
'Wag mo muna 'kong gisingin
Managinip kang mag-isa
Dapat 'di ka isa sa mga mainipin
Kung hindi ko 'to kabisa
Malamang ay di ka makikinig saking mga sasabihin
Ngunit alam mo'ng puro ko
Lagpas 'sang daang pursyento 'to
Pusong sabik ay, di na muling mabibitin
Sa pagkakataong 'to mga mali ko'y 'di ko na uulitin
Pakitaga yan sa bato

[Bridge: CLR]
Wooo-hoooo
Yung mga batong ibinato nyo sakin
Ginawa ko lang kastilyo 'to
Wooo-hoooo
Mga mali ko'y 'di na uulitin taga mo yan sa bato
Wooo-hoooo
'Di na ininda ang sugat na natamo
Alam mo ba kung bakit
'Di 'to kayang salubungin ng galit
Mga bumanga sakin alam mo na'ng sinapit
Taga mo yan sa bato
Wooo-hoooo
Yung mga batong ibinato nyo sakin
Ginawa ko lang kastilyo 'to
Wooo-hoooo
Mga mali ko'y 'di na uulitin taga mo yan sa bato
Wooo-hoooo
Di na ininda ang sugat na natamo
Alam mo ba kung bakit
'Di 'to kayang salubungin ng galit
Mga bumanga sakin alam mo na'ng sinapit