Adie
Kursunada
[Intro]
'Wag mo na sanang pabitinin pa
Kung patungo lang din tayo
Sa inaasam na hangganan (Hmm-mm)

[Verse 1]
Oh-oh-oh, 'wag ka nang magpakipot pa
Kitang-kita ang lapot
Sa mga matang mapanlinlang (Mapanlinlang)
Tila hiwatig ay kaaya-aya
Talaga ba o nagpapahalata lang
Para ba ika'y sundan nang sundan? (Ooh-ooh-ooh)

[Pre-Chorus]
Hiling ko'y, woah-oh-oh

[Chorus]
Kung mapagbibigyan
'Di hahayaang masayang (Ooh-ooh-ooh)
'Di na ako magpapaligoy-ligoy pa ('Kaw ang kursunada)
Basta ikaw lang, sapat na (Hmm-mm)

[Verse 2]
Pinapanalangin ka palaging mapasa'kin
Hihintayin ang mga pangitaing
Hinahanap-hanap mo na ang paglingap ko
Na tila hindi matutumbasan ng iba
'Pagkat alam mong isang tawag mo lamang
Agad akong patungo sa'yo, sa'yo
Makiramdam ka naman
[Pre-Chorus]
Hiling ko'y, oh-oh-oh

[Chorus]
Kung mapagbibigyan
'Di hahayaang masayang (Ooh-ooh-ooh)
'Di na ako magpapaligoy-ligoy pa
'Di matutulad sa mga naunang
Sinubukan, oh, mong pagbigyan
Susuyurin bawat daan
('Kaw lang ang kursunada, 'kaw lang ang aking kursunada)
Mapasaakin ka lang