Lance Santdas
Maria
[Chorus]
Sa iyong tabi nadarama ang pahinga
Tunay nga sabi-sabi na ikaw ay may mahika
Diwata ka saking mata hiwaga ang iyong dala
Basta ba kasama ka problema ay nawawala

Sa iyong tabi nadarama ang pahinga
Tunay nga sabi-sabi na ikaw ay may mahika
Diwata ka saking mata hiwaga ang iyong dala
Basta ba kasama ka problema ay nawawala

[Verse 1]
Sa tuwing nakikita ka ang bagal ng mundo
Pag-ibig pinalit kung isip ko ay magulo
Sayo lang sigurado sayo lang ang aking boto
Buhay ko na sintunado ikaw naglagay ng tono

Ika'y na sa reyalidad at aking panaginip
Na sa puso ko at isip sana pwede mong masilip
Pag kasama na kita walang pake saking paligid
Kung usapan ay ganda ikaw ang unang naiisip

Iniisip ka ngayon iniisip ka palagi
Kung may pagkakataon ako'y nagbabakasali
Makausap makasama madalas sana mangyari
Pero bakit pag andyan ka na wala na kong masabi
Sobrang aliw ng mapa saiyo
Sobrang lulong sa ikaw at ako
Sobrang seryoso hindi nga laro
Sobrang sarap ng tama na ganto

[Chorus]
Sa iyong tabi nadarama ang pahinga
Tunay nga sabi-sabi na ikaw ay may mahika
Diwata ka saking mata hiwaga ang iyong dala
Basta ba kasama ka problema ay nawawala

Sa iyong tabi nadarama ang pahinga
Tunay nga sabi-sabi na ikaw ay may mahika
Diwata ka saking mata hiwaga ang iyong dala
Basta ba kasama ka problema ay nawawala

[Verse 2]
Diwa ng diwa ko lang ay ikaw
Payapa dama pero sinisigaw
Pangalan mo lang at hindi bibitaw
Ikaw ang liwanag ng pusong ligaw

Sinagip mo ko sa pangangamba
Binigyang linaw yung pagtataka
Wala ng problema hakuna matata
Ano ba gusto ako na ang taya
Sige masanay dito saking akay
Puso ang alay mabuti ang pakay
Hawak kamay higa at dumantay
Sa pag-ibig sabay magpatangay

Pinipili ka pagkat hindi sila katulad
Binibini ko karilagan nakakagulat
Unang sulyap pa lang mainam ang yong binubungad
Kilalanin kang lubos nakakasira yon ng utak

[Chorus]
Sa iyong tabi nadarama ang pahinga
Tunay nga sabi-sabi na ikaw ay may mahika
Diwata ka saking mata hiwaga ang iyong dala
Basta ba kasama ka problema ay nawawala

Sa iyong tabi nadarama ang pahinga
Tunay nga sabi-sabi na ikaw ay may mahika
Diwata ka saking mata hiwaga ang iyong dala
Basta ba kasama ka problema ay nawawala

[Outro]
Diwata ka sa'king mata
Hiwaga ang iyong dala
Diwata
Hiwaga
Ikaw ang gusto kong kasama
Diwata
Hiwaga
'Pag kasama ka problema ko'y nawawala