[Verse 1]
Pakiramdam ko ngayo'y laging sabik
Maramdaman ang mga yakap mo't halik
Inaantay ko lagi ang iyong pagbalik
Ako'y tinamaan ng lintik
[Refrain]
Buti nakilala ka
Nawala ang lungkot na dala
Salamat laging and'yan ka
Binigyan mong kulay ang buhay ko na nalalanta
[Pre-Chorus]
'Di ba ang sabi mo sa akin ito ay panghabang-buhay na
Pangakong aalagaan at iingatan ka
[Chorus]
Kasi ang sarap magmahal 'pag alam mong tunay
Hindi ka na mag-iisa sa'kin 'di mawawalay
Lagi ipagpapasalamat ika'y ibinigay
Wagi 'yan lang ang alam ko at ikaw ang patunay
[Verse 2]
Alaga't asikaso mo lagi sa'kin
Binibigay mo pa pati balat ng iyong chicken ~
Joy ang dama ko 'pag ika'y paparating
Bidang-bida ang saya, the best sa'yong piling
[Refrain]
Wala nang hahanapin pa
Marunong dumiskarte 'di ka lang puro ganda
Tiwala sa isa't isa'y mahalaga
Suporta sa pangarap hanggang sa maabot ng isa
[Pre-Chorus]
'Di ba ang sabi mo sa akin ito ay panghabang-buhay na
Pangakong aalagaan at iingatan ka
[Chorus]
Kasi ang sarap magmahal 'pag alam mong tunay
Hindi ka na mag-iisa sa'kin 'di mawawalay
Lagi ipagpapasalamat ika'y ibinigay
Wagi 'yan lang ang alam ko at ikaw ang patunay
[Chorus]
Kasi ang sarap magmahal 'pag alam mong tunay
Hindi ka na mag-iisa sa'kin 'di mawawalay
Lagi ipagpapasalamat ika'y ibinigay
Wagi 'yan lang ang alam ko at ikaw ang patunay
[Outro]
'Yan lang ang alam ko at ikaw ang patunay
Ang sarap magmahal 'pag alam mong tunay