Guddhist Gunatita
IMOUT (Cypher3)
[Intro]
ALAM MO BA?
MERON KAMING SASABIHIN
MATAGAL NANG LIHIM
NG MGA KA-GRUPO KO
NGAYON KAMI AAMIN
[Verse 1: Luci J]
Mga tagpi-tagpi
Bakit kung ano ang totoo kinukubli
Di balanse na timbang, lamang salapi
Minsan sa taas ng ere ay masasawi
Hanggang saan ba aabot yan
Meron bang patutunguhan o nahihibang?
Panandaliang nanahimik ang mga buwang
Pero hindi ibig-sabihin hanggang dun na lang
Sa mga tunay kampay sa hule
'Lam ko na ang kulay, dama sa tabi
Alam mong sisikatan abutin man ng gabi
Kahit anong mangyari ay magsisipag kami
Tula kalidad di lang dila pinapagana
Kahit bilang na lang nakakaunawa
Kelan man ay hinding hindi na magsasawa
Ang kagaya namin na baliw na sa pakikisama
[Verse 2: Guddhist]
Di tayo magkakapareho ng laman ng isip
Wag kang makulit masyado wag mo na ipilit
Utak na makitid, ulong malaki
Automatic katukayo yan ng dilang matabil
Sige, ikaw na ang panalo, ikaw na makisig
Sayo na lahat ng palakpakan at papuri
Di magpapa-pigil di mapakali
Kapag di siya pinaguusapan sa tabi-tabi
Tabi-tabi, pwedeng padaan hindi magaan
Ang pasan-pasan ko na mga bara may laman
Malamang may tatalaban, talaga namang
May kakabahan sa ganitong uring sulatan
At kung ang premyo dito ay kasikatan ng pangalan
Malamang sa alamang maraming magbabalagbagan
Kalampagan, palakasan sa ngalang ng kaangasan
Buti na lang di ako gaya niyong sabik masinagan
IMOUT!
IMOUT!
IMOUT!
IMOUT!
IMOUT!
IMOUT!
IMOUT!
[Verse 3: Polo Pi]
Sa aking pagpasok siguradong suwag tong mga to
Pang sa net lang matitikas urat tong mga to
Pag sulat ko na tumama sugat tong mga to
Parang batang nagiiyakan kase di pinalaro
Oh panyo na hinihila, gawain yan ng kadiri
Kung nasan kayo ngayon kayo mismo ang pumipili
Sa iyo na ginawa hindi ka sana na magsisi
Mataas tong enerhiya hindi ka mananatili to
Gawain ko na to dati noon pa man
Dito ako napamahal kaya ako'y tumatagal, go
Ka lang naman parang kampanang madaldal
Kumikirot ka sa tenga waring boses na pabalbal
Ganon pa man, kalmado parin ako
Kahit hindi ko na todo to
Eto chill lang ako habang naka-upo
Magbago man, mananatili parin ako
Kahit saan na ito humantong matayog matibay at nakatayo
[Verse 4: Youngwi$e]
Dami dami den nakikinig, di na inuunawa
Nagkanda hawa na sa nais labis na bumaga
Nagkandawala naka hawla sa panlasang masama
Tamasa pa ka sasa
Galawang pang sagada
Saka na muna inuuna lagi ang sarili
Nananatiling manatili walang pinipilit
Bukam-bibig nila iba't ibang gimik at hilig
Wala ng pili-pili lalo't sinisisi
Sinisipagan na lang lalo pag walang galaw
Kakagat lahat takam ng makaka-ayaw
Panalo pano walang talo sa gumagalaw
Labo man natatanaw gulo di na saklaw
Langit, lupa, hangarin nais na makuha
Daming bunga kahit puno ng pagdurusa
Di dapat magduda, dapat kang magkusa
Kilos bawat sana sana bago pa mauna
(Gecko: Enerhiyang malupet)
[Verse 5: Ghetto Gecko]
Bawal dito makulet
Kung may pasaway kang tropa baka dito bumaet
Wag mo 'kong minamani, wag kang nagmamadale
Kung hindi mo 'ko nakuha wag mo 'kong minamali
Totoo tong nangyayari di lang to bali-balita
Di 'to para sa lahat, para lang sa nakakita
Melodiyang pambihira't, lirisismo't
[?] ang ginagamit ko pang hiwa
'Lang pake sa mga taong na mapagpuna, yeah
Inunahan ko lahat sila ay abo na, yeah
Meron pa dyang nagagalit sa halaman
Kahit walang nalalaman
Puro ingay, di malaman kung anong pinaglalaban
Kala nila lagi lamang ako dun sa usukan
Kung alam mo lang pano to makipagbaragan
Walang patas na ragan lagi mga haragan
Wag ka na magsalita kung di mo kayang palagan
IMOUT!
IMOUT!
IMOUT!
IMOUT!
IMOUT!
IMOUT!
IMOUT!
WE'RE OUT!