Guddhist Gunatita
DI NAGMAMADALI
[Intro: Guddhist Gunatita]
Woah, ooh, oh-oh, oh, oh
Yeah, yeah, yeah
[Chorus: Guddhist Gunatita]
Tinanggap ko na lang kung anong kapalit ng mga kamalian
'Di ko pinagkait sa sarili kung pa'no maging mabait
Alam ko din naman sa huli, ang lahat ng ito ay lilisan
Bago 'yon maganap ay sulitin na lang ang bawat sandali
[Verse 1: Guddhist Gunatita]
Daming pagsubok na muntikan ko na rin atrasan
Buti na lang, 'di nagpadurog lalo nilakasan
Ang mga takot na bitbit sa isip ko'y naka [?]
Pagtitiwala sa sarili lalong dinalasan
Kasi alam ko na makakamit (Alam ko na makakamit)
Sinakripisyo alam ko naman na babalik (Alam ko rin na babalik)
Niyakap lalo ang proseso at 'di nahapit
Unti-unti tagumpay sa'kin ay nalalapit
Malapit na malapit na, 'di na para ako mag-alala
Alam ko meron na mapapala
Sa isip ko, 'di na mawawala
Normal lang naman sa buhay ang pagkawala kaya
[Chorus: Guddhist Gunatita]
Tinanggap ko na lang kung anong kapalit ng mga kamalian
'Di ko pinagkait sa sarili kung pa'no maging mabait ('Di ko pinagkait)
Alam ko din naman sa huli, ang lahat ng ito ay lilisan
Bago 'yon maganap ay sulitin na lang ang bawat sandali (Yeah, yeah)
Tinanggap ko na lang kung anong kapalit ng mga kamalian
'Di ko pinagkait sa sarili kung pa'no maging mabait (Mabait)
Alam ko din naman sa huli, ang lahat ng ito ay lilisan (Lilisan)
Bago 'yon maganap ay sulitin na lang ang bawat sandali
[Verse 2: Nateman]
Sinusulit bawat oras, kasi alam ko'ng halaga
Hindi ka makakalapit lalo kung hindi ka dama
Hindi masama sa mali umiwas kaysa naman makulong pa humimas
Sayang ang oras na mga lilipas, sa mga kasama dapat mag-ingat ka
Madalas kang susubukin ng tadhana, para makita kung hanggan sa'n mo ba kaya
Walang problema na hindi mo makakaya, nag-iisa ka lang at wala kang kagaya
'Wag mong ikukumpara ang sarili mo sa kanila
Sa dami ng pinagdaanan, matibay kasi hindi ka natibag
Hindi ka naiba sa pagkabigo, naging sigurado sa pagkalito
Sa lugar ko na kinamulatan, parang kasalanan maging matino
Magandang buhay ang hangad kong madalas kaya palagi ang loob ko malakas
Iniiwasan ang buhay na marahas kasi pangarap ko ay nakakataas
[Chorus: Guddhist Gunatita]
Tinanggap ko na lang kung anong kapalit ng mga kamalian
'Di ko pinagkait sa sarili kung pa'no maging mabait
Alam ko din naman sa huli, ang lahat ng ito ay lilisan
Bago 'yon maganap ay sulitin na lang ang bawat sandali
Tinanggap ko na lang kung anong kapalit ng mga kamalian
'Di ko pinagkait sa sarili kung pa'no maging mabait
Alam ko din naman sa huli, ang lahat ng ito ay lilisan
Bago 'yon maganap ay sulitin na lang ang bawat sandali (Ang bawat sandali)
[Outro: Guddhist Gunatita, Nateman]
Kahit madaming mali
Ayos lang 'yun sa'kin, 'di nagmamadali
At 'yung mga hiniling
Mapapasa'kin 'yan lahat, hindi nagmamadali
Kahit madaming mali
Ayos lang 'yun sa'kin, 'di nagmamadali
At 'yung mga hiniling
Mapapasa'kin 'yan lahat, hindi nagmamadali