Guddhist Gunatita
KARANASAN
[Chorus: Guddhist Gunatita]
Marami pang pwedeng mangyari
Marami kang pwedeng aralin
'Wag ka matakot tumuklas at mawala
'Wag ka matakot bumalik sa simula
Ang buhay ay walang hanggang pagtyatyaga
Kailangan mo magsakripisyo para sa

[Verse 1: Guddhist Gunatita]
Mga bagay na gusto mo mahawakan
Tanggapin mo, meron kang kailangan na bitawan
Para sa ikabubuti ng iyong isipan
Lagi mong unahin ang sariling kaligtasan
Sandali, 'kala mo madali lang
Masawi sa mundo at maiwang
Mag-isa, luhaan, walang bilang
Alam ko naman na gagaling, mahapdi lang
Kailangan tiisin ang mga bagay
'Pagpaliban muna ang ubo at tagay
'Yoko na magaya do'n sa mga tatay
Na pulutan ay sakit at pagka-matagay
Alagaan ang sarili, ang sarili ang tutulong sa sarili
'Pag lubos na nawiwili sa iba, 'wag ka dumepende

[Chorus: Guddhist Gunatita]
Marami pang pwedeng mangyari
Marami kang pwedeng aralin
'Wag ka matakot tumuklas sa mawala
'Wag ka matakot bumalik sa simula
Ang buhay ay walang hanggang pagtyatyaga
Kailangan mo magsakripisyo para sa (Sa'n pa nga ba?)
[Verse 2: Guddhist Gunatita]
Maayos na buhay, siguradong kaligtasan
Sa lupa babalik, natural na kalikasan
Ang isip lawakan, kahapon, 'wag mo takasan
Sarili mong kamalayan ang susi sa kalayaan
Kung minsan ay panay-panay, walang humpay sabik sa pagtuklas
Minsan nama'y puro sablay parang gusto na lang na kumalas
Ta's nakakautas laging problemado hindi malutas
Meron kaagad bago hindi pa tapos ang mga suliraning kinakaharap

[Chorus: Guddhist Gunatita]
Marami pang pwedeng mangyari
Marami kang pwedeng aralin
'Wag ka matakot tumuklas at mawala
'Wag ka matakot bumalik sa simula
Ang buhay ay walang hanggang pagtyatyaga
Kailangan mo magsakripisyo para sa

[Verse 3: Flow G]
Mga makakaisip na parang ang daya ng mundo
'Pag nasa kalagayang 'di mo gusto, oh
'Wag ka mainis at magtampo, oh
Kung kesyo ganyan, kesyo gan'to
Kung ulo mo marami ng laman, dagdagan
'Wag matakot punuin 'yan ng kaalaman
Tandaan 'di palaging merong masasandalan
Mas lamang ka kapag lamang ka sa karanasan
Kung iniisip mo na ikaw na ang pinakamagaling (Oy, hindi)
Ang masasabi ko lang sarili mo, hindi mo kaya mahalin (Ba't hindi?)
Araw-araw dapat natututo ka pa rin
Lalo 'pag marami ka pang gustong tuparin
Bawal tamarin, bago marating
[Chorus: Guddhist Gunatita]
Marami pang pwedeng mangyari
Marami kang pwedeng aralin
'Wag ka matakot tumuklas sa mawala
'Wag ka matakot bumalik sa simula
Ang buhay ay walang hanggang pagtyatyaga
Kailangan mo magsakripisyo para sa

[Outro: Guddhist Gunatita]
Marami pang pwedeng mangyari
Marami kang pwedeng aralin
'Wag ka matakot tumuklas at mawala
'Wag ka matakot bumalik sa simula
Ang buhay ay walang hanggang pagtyatyaga
Kailangan mo magsakripisyo para sa
'Yong kaligtasan