[Verse: 1]
Gusto kong isigaw sa mundo
Na nakaya ko at naabot ko
Pero 'eto tayo, 'eto tayo
Nag tyatyaga parin sa pagkulot
Walang nagbago
Patuloy na nangangarap
Kahit ano ang ilatag
Pikit mata nakakagat
Itataya parin lahat-lahat
Kahit sukli ay di sapat
[Chorus]
Alam kong hindi patas ang mundo
Pero eto hindi parin naman sumusuko
Dahil kahit gaano pa kalabo
Balang-araw maririnig din nila tayo
[Verse: 2]
Ilang ulit ng nadapa
Bumangon nang nag-iisa
Tanga ba nga ba na umasa
Hindi ko rin alam
Ganun naman
Basta't tuloy tuloy na lang
[Chorus]
Alam kong hindi patas ang mundo
Pero eto hindi parin naman sumusuko
Dahil kahit gaano pa kalabo
Balang araw maririnig din
Alam kong hindi patas ang mundo
Pero eto hindi parin naman sumusuko
Dahil kahit gaano pa kalabo
Balang araw maririnig din nila tayo