Bukas Palad Music Ministry
Gabing Kulimlim (1986)
[Verse 1]
Pagsapit ng gabing kulimlim, naririto Ako
Papawiin Ko ang lumbay mo
Kukumutan ka ng saya
At aakayin Ko ang pagsikat ng umaga

[Verse 2]
Yakapin mo'ng kaloob Kong buhay sa iyo
Sabihin Ko, damhin ang mundo
Sa kapwa mong muling mabibigo
Kapayapaan Ko lamang ang sasagip sa'yo

[Chorus]
Anumang tagal ng gabi, kasama mo Ako
'Di mo man tanto, narito Ako
Ang buhay Kong nagdudulot ng buhay sa iyo
Kadilimang ito ay kakayanin mo

[Verse 1]
Pagsapit ng gabing kulimlim, naririto Ako
Papawiin Ko ang lumbay mo
Kukumutan ka ng saya

[Coda]
At aakayin Ko'ng pagsikat ng umaga