Bukas Palad Music Ministry
Pagkabighani (Attributed to Saint Francis Xavier)
[Verse 1]
Hindi sa langit Mong pangako sa akin
Ako naaakit na Kita'y mahalin
At hindi sa apoy, kahit anong lagim
Ako mapipilit nginig Kang sambahin

[Verse 2]
Naaakit ako na Ika'y mamalas
Nakapako sa Krus, hinahamak-hamak
Naaakit ng 'Yong katawang may sugat
At sa tinanggap Mo'ng kamataya't libak

[Verse 3]
Naaakit ako sa Iyong pag-ibig
Kaya't mahal kita kahit walang langit
Kahit walang apoy sa 'Yo'y manginginig
'Wag nang mag-abala upang ibigin Ka

[Refrain]
'Pagka't kung pag-asa'y bula lamang pala
Walang mababago, mahal pa rin Kita

[Instrumental Break]

[Verse 4]
Naaakit ako na Ika'y mamalas
Nakapako sa Krus, hinahamak-hamak
Naaakit ng 'Yong katawang may sugat
At ang tinanggap Mo'ng kamataya't libak
[Verse 3]
Naaakit ako sa Iyong pag-ibig
Kaya't mahal kita kahit walang langit
Kahit walang apoy sa 'Yo'y manginginig
'Wag nang mag-abala upang ibigin Ka

[Coda]
'Pagka't kung pag-asa'y bula lamang pala
Walang mababago, mahal pa rin Kita