Bukas Palad Music Ministry
Sa Iyong Muling Pagkabuhay

[Refrain]
Sa Iyong muling pagkabuhay
Buong bayan ay nagdiriwang
Handog Mong buhay
Dulot ang pag-asang katarungan
At kaligtasan!

[Berso 1]
Ang lahat ng hirap, tinanggap Mo’t binata
Upang kami’y maadya sa tukso at dusto
Mga krus ng aming kapwang dukha at aba’y
Papasaning tila sariling dalahi’t alala

[Refrain]
Sa Iyong muling pagkabuhay
Buong bayan ay nagdiriwang
Handog Mong buhay
Dulot ang pag-asang katarungan
At kaligtasan!

[Berso 2]
Ang lahat ng sakit, hinagkan Mo’t pinawi
Upang kami’y mapuno ng galak at ngiti
Ang aming buhay ay alay sa ‘Yong papuri
Magbubunyi sa saya at ihahanda ang sarili
[Refrain]
Sa Iyong muling pagkabuhay
Buong bayan ay nagdiriwang
Handog Mong buhay
Dulot ang pag-asang katarungan
At kaligtasan!

Katarungan at kaligtasan!