Bukas Palad Music Ministry
Balang Araw
[Verse 1]
Balang araw, ang liwanag, matatanaw ng bulag
Ang kagandahan ng umaga, pagmamasdan sa tuwina

[Chorus 1]
Aleluya, aleluya
Narito na'ng Manunubos
Luwalhatiin ang Diyos

[Verse 2]
Balang araw, mumutawi sa bibig ng mga pipi
Pasasalamat at papuri, awit ng luwalhati

[Chorus 1]
Aleluya, aleluya
Narito na'ng Manunubos
Luwalhatiin ang Diyos

[Bridge]
Balang araw, tatakbo ang pilay at ang lumpo
Magsasayaw sa kagalakan
Iindak sa katuwaan

[Chorus 2]
Aleluya, aleluya (Balang araw, ang liwanag, matatanaw ng bulag)
Narito na'ng Manunubos (Ang kagandahan ng umaga)
Luwalhatiin ang Diyos (Pagmamasdan sa tuwina)
[Chorus 3]
Aleluya, aleluya (Balang araw, mumutawi sa bibig ng mga pipi)
Narito na'ng Manunubos (Pasasalamat at papuri)
Luwalhatiin (Luwalhatiin), luwalhatiin (Luwalhatiin)

[Outro]
Luwalhatiin ang Diyos