Belle Mariano
Pansamantala
[Intro]
Mm-mm

[Verse 1]
'Di malinaw ang aking dati-rating
Pagtingin sa iyong pagdating
Nangako sa dumaan na bituin
Na hindi na magmamahal muli

[Verse 2]
Sayang ang oras at panahon
'Yan ang inakala noon
At sa katigasan ng aking ulo
Ay bigla na lang nahulog sa'yo

[Chorus]
Pero puso, ingat na lang
Alam mo namang ito'y pansamantala lang
At 'di mo alam kung sino ang mang-iiwan

[Verse 3]
'Di ko naman sinadyang sumugal
Nagulat na lang bigla ka nang minahal
At kahit alam kong 'di magtatagal
Ay sumabak pa rin sa laban
[Chorus]
Pero puso, isipin mo lang
Alam mo namang wala siyang ibang katulad
Sabihin mo na bago pa tayo tuluyang lumisan

[Instrumental Bridge]

[Chorus]
O puso, sayang naman
Manghihinayang ako 'pag sadyang
Lilimutan ang nag-iisang kasintahan
Dito ka lang
Harap-harapan, sana'y wala 'tong hangganan
Sabihin mo lang
Kung ayaw mo 'kong lumisan

[Outro]
At sa bituing pinangakuan noon
Buti na lang 'di nagkatotoo
Balik-baliktarin ko pa ang aking mundo
Ay babalik at babalik sa'yo
Ay babalik at babalik dito