Alamat
Kapit
[Chorus: Tomas, dwta]
At kung sakaling 'di na
Kayanin ay andirito lang ako
At 'di ka hahayaan pang mahilo
Basta't kapit ka lang sa aking kamay
'Di kita pababayaan, ah, hah

[Verse 1: Mo, R-Ji, Tomas]
Akong bahala sa iyo, oh, oh, oh
Hindi kita iiwan kailanman
Ano mang pagdaanan mo, oh, oh, oh
Ay and'yan para hirap ay mabawasan
Paminsan-minsan ay kailangan
Din natin na nahihirapan
'Di madali na maranasan
'Wag kalimutang may kinabukasan
Pang dapat na silipin at alalahanin
Lahat ay kaya natin

[Chorus: R-Ji, dwta]
At kung sakaling 'di na
Kayanin ay andirito lang ako
At 'di ka hahayaan pang mahilo
Basta't kapit ka lang sa aking kamay
'Di kita pababayaan, ah, hah
[Verse 2: dwta]
Huminto, pwede kang magpahinga
Halika, 'pikit mo ang 'yong mga mata
Babalutin ang napaso
Ang bigat sa iyong braso
Tatapusin ang takbo kahit malayo
Hay, ayos lang kung sumakay
Meron kang kasabay
Lumingon ka sa tabi, oh

[Chorus: Jao, dwta]
At kung sakaling 'di na
Kayanin ay andirito lang ako
At 'di ka hahayaan pang mahilo
Basta't kapit ka lang sa aking kamay
'Di kita pababayaan, ah, hah

[Bridge: Taneo, Alas, Alamat]
Kung biglaan kang napagod
At sa'yong ulo'y napakamot
Tatandaan na may kahapon kang nalampasan
At nang umaga'y nakabangon (Ayy)
At kahit na anong ibato sa'yo (Ayy)
'Wag kang yuyuko, 'taas ang noo (Ayy)
Bangon patayo, harapin mo 'to
Malakas ka baka nalimutan mo
[Instrumental Break]

[Chorus: Mo, dwta]
At kung sakaling 'di na
Kayanin ay andirito lang ako
At 'di ka hahayaan pang mahilo
Basta't kapit ka lang sa aking kamay
'Di kita pababayaan, 'di kita pababayaan

[Outro: Alamat, dwta, Mo]
Kahit anong mangyari kayang-kaya
Kahit anong mangyari kayang-kaya (Ah-ha, hah-hah)
Kahit anong mangyari kayang-kaya
Kayang-kaya, oh-oh-oh-oh-oh-oh
Kahit anong mangyari kayang-kaya (Kayang-kaya)
Kahit anong mangyari kayang-kaya (Kayang-kaya)
Kahit anong mangyari kayang-kaya
Kayang-kaya, oh-oh-oh-oh-oh-oh