Loraine, Kejs & Mhyre
Takot Akong Mawala Ka
[Intro]
This is Godbeats Production exclusive

[Verse 1: Kejs]
Sana'y maunawaan mo
Kung bakit kailangan kong itago ang ating pag-iibigan
Patawad kung 'di mo maintindihan
Dahil nakilala kita kung kailan kami ay nagsama na
Ngunit sa'yo ko naramdaman ang saya

[Verse 2: Still One]
Nakilala kita nung mga panahong ako'y malungkot
Ang puso ko'y naghahanap ng kalinga, pagmamahal ng totoo
At walang halong panloloko sa kasawiang palad
'Yan ang bagay na hindi niya kayang maibigay
Kaya hinanap ko sa iba, kahit na alam kong hindi ito tama
Pag-ibig na mali at pagnanakaw ng mga sandali
Bahala na kung ako man ay makarma
Siguro talagang sinadya ng pagkakakataon
Na tayong dalawa ay pagsalubungin
Napamahal ka na sa'kin, napamahal na din ako sa'yo
Wala 'kong magagawa kung hindi suungin
Ang ating pag-iibigan na kahit pagtawid hindi ko masagip na
Makuha ang kaligayahan na dinala mo sa'king buhay
Mula nung ika'y dumating minahal mo 'ko nang tunay
Hindi kagaya ng babaeng pinili kong makasama
Na 'di binigyang halaga ang aking pag-ibig at pag-aalala
Pagod na 'kong tiisin ang sakit, nagsawa na 'ko
Sa walang katapusan kong pagpapakatanga
Gusto ko naman dumalo sa ligaya
At sa 'di inaasahang pagkakataon nakilala kita
Sa taglay mong kagandahan at linis ng kalooban
Ang puso ko ay sumigla
Hindi ko maitanggi na mahal na nga kita
Sana maunawaan mo kailangan nating itago
Kung ano mang namamagitan
'Di nating pwedeng madaliin, 'wag kang mag-alala
Dahil kahit anong mangyari, 'di naman kita iiwan
Kahit kami ang magkasama sa gabi
Pag-ibig sa kaniya hindi ko na nadarama
Kaya ipanatag mo na ang iyong kalooban
Dahil dito sa'king puso, mas matimbang ka na
[Pre-Chorus: Loraine]
Dahil natatakot lang ako na mawala ka sa'kin
Kaya minabuti ko na lamang na ilihim
Ang namamagitan sa'ting dalawa

[Chorus: Mhyre, Loraine]
Ako'y 'di makatingin sa harap ng salamin
Ako'y naguguluhan at hindi mapakali
Sana'y nakilala na kita nung hindi pa kami
Eh 'di sana ikaw ngayon ang aking katabi

[Verse 3: Loraine]
Ayoko namang humantong sa punto na mawala ka sa akin
'Di bale nang ilihim ko na may nauna na sa'yo, oh, sa'yo
'Pagkat ang puso natin ay nag-iisa
Ni hindi mo pwedeng diktahan ang nilalaman
'Wag sisihin kung bakit isa sa umakit
Ng pag-ibig kahit nauna man siya
Ahh, pasensya na (Pasensya na)
'Di ko man maamin na ika'y minamahal ko, pinaparamdam ko naman
Sa t'wing kasama kita, 'di ko maipaliwanag ang saya na nadarama
Sana nga ikaw na lang, sana nga ikaw na lang
Ikaw na lang ang aking katabi

[Pre-Chorus: Loraine]
Dahil natatakot lang ako na mawala ka sa'kin
Kaya minabuti ko na lamang na ilihim
Ang namamagitan sa'ting dalawa
[Chorus: Mhyre, Loraine]
Ako'y 'di makatingin sa harap ng salamin
Ako'y naguguluhan at hindi mapakali
Sana'y nakilala na kita nung hindi pa kami
Eh 'di sana ikaw ngayon ang aking katabi

[Verse 4: Mhyre]
Pa'no ko ba sasabihin sa'yong may nauna na?
Ngunit ang aming relasyon tila'y napakalabo na
Dahil 'di ko sa kaniya naranasan lumigaya
Ang puso ko'y sinasaktan niya
Hinanap ko ang kaligayahan, nakita ka't 'di ko inasahang
Ikaw na pala ang magpapasaya sa'king pusong nalulumbay
Ngunit kailangan nating itago
Ano mang mangyari, mahal, nakahanda ako
Ipaglalaban kita, kaya 'wag kang mangangamba
Dahil kahit sino man ang humadlang
Sa'ting dalawa'y hindi ko papayagan dahil mahal kita
Nangangamba 'kong ikaw ay mawala

[Bridge: Loraine]
Dahil natatakot lang ako
Na mawala ka sa'kin (Natatakot lang ako)
Kaya aking inilihim
Narito ka na, ba't aayaw pa?
[Pre-Chorus: Loraine]
Dahil natatakot lang ako na mawala ka sa'kin
Kaya minabuti ko na lamang na ilihim
Ang namamagitan sa'ting dalawa

[Chorus: Mhyre, Loraine]
Ako'y 'di makatingin sa harap ng salamin
Ako'y naguguluhan at hindi mapakali
Ooh, sana'y nakilala na kita nung hindi pa kami
Eh 'di sana ikaw ngayon ang aking katabi
Ako'y 'di makatingin sa harap ng salamin
Ako'y naguguluhan at hindi mapakali
Sana'y nakilala na kita nung hindi pa kami
Eh 'di sana ikaw ngayon ang aking katabi