RADKIDZ
Kelan
[As performed on August 1, 2021, BITZ Concert]

[Verse 1: Pablo]
Kailan ba ako magiging payapa? (Kailan?)
'Di na nga yata
Ako ang taya simula pagkabata
Habulan sa utak ko na mahilig gumala
Kahapon ay hindi na lumipas, 'di ko rin alam kung meron pang bukas
Pilit na nangangapa sa laman ngang wala naman ang lunas
Naging matalik na kaibigan ng dilim, liwanag ang kaniyang lihim
Sinubukang alamin saloobin tumingin sa salamin
Ngayon ano'ng aking gagawin? Ito ay kapit sa patalim
Paano mo haharapin ang takot mo kung pagtingin sa salamin, nakangiti ka pa rin?
'Di mo na kailangan na magkunyaring iba
Alam naman natin na mas komportable ka
Sawa lang sa nawalang dismaya, makatotohanan lang walang iba
Buksan mo ang iyong isipan, bakit 'di rin gawing kalawakan
Ang katotohanan? 'Yun ang hahawakan, tuparin ang napanaginipan
That's right, play hanggang sa dulo, uh, mayday panay peligro
'Cause someday maitotono ko rin ang buhay ko na 'di sintunado
Say

[Chorus: Pablo]
Kailan ba tunay na sasaya? (Yah)
Maging malaya sa takot at pangamba
Oh, no, yeah, yeah, woah (Kailan?)
Dami nang pinagdaanan
Na 'di ko inaasahan na malalagpasan
Oh, no, yeah, yeah, yeah
Ipipikit ko ang aking mata
At mananalangin sa mahabaging Ama
Oh, no, yeah, yeah, yeah, woah (Kailan?)
Kailan ba tunay na sasaya?
Maging malaya sa takot at pangamba
Oh, no, yeah, yeah, yeah, yeah
[Verse 2: Josue]
Ako'y nagising na sa malalim na pagtulog
Teka lang, ba't para 'tong bangungot?
'Di ko magalaw ang aking tuhod
Bukod pa do'n 'di ako makahugot ng hininga
At parang nalulunod ang pakiramdam ko ay nalulumo
Bawat sigaw ay para lang bumubulong
Tila ba walang makarinig sa aking mga ungol
Hindi ako marunong humingi ng tulong
Ako lang ang guro sa bawat pagsubok
Kahit nalulunod, kahit nalulugmok
Sugod nang sugod kahit hindi matumbok
Ang puno at dulo ng aking mga gusto
Lahat ng ito'y 'di magkakatuldok
Hiling ng tadhana man ako'y mabugbog
Hahabulin ang pangarap kahit pa malumpo
Tinalaban nasasalamin, kinatakan ang mga kawain
'Lam naman natin na Siyang salarin sa lahat ng naging pangyayari sa'min
Sa kabila ng lahat ng aking inakala't pagsisisi
Siya lang rin pala ang sasagip at tanging kakampi
At pagkalabog ng beat, mga mata'y namulat sa pagkapikit
Unti-unting gumagalaw ang mga binti, 'di ko na pinansin ang aking paghikbi
Kailan ba makakatakas dito sa kulungan?
Ginawa sa'kin ng unang takot na naging puhunan
Na nangakong kalungkutan, minsan na napalibutan
Diyos ko po pakitulungan, gusto lang makalimutan ang nakaraan
[Chorus: Pablo & Josue]
Kailan ba tunay na sasaya? (Yah)
Maging malaya sa takot at pangamba
Oh, no, yeah, yeah, woah (Kailan?)
Dami nang pinagdaanan
Na 'di ko inaasahan na malalagpasan
Oh, no, yeah, yeah, yeah, yeah
Ipipikit ko ang aking mata
At mananalangin sa mahabaging Ama
Oh, no, yeah, yeah, woah (Kailan?)
Kailan ba tunay na sasaya?
Maging malaya sa takot at pangamba
Oh, no, yeah, yeah, yeah, yeah

[Bridge: Pablo, Josue, Pablo & Josue]
Kailan ba ako tunay na sasaya?
Tuluyan nang nawawala ang aking pag-asa
Ipipikit ko ang aking mga mata
Mahabaging Ama, kailan ba?
Oh, kailan ba? Kailan ba? Kailan ba?
Kailan?

[Chorus: Pablo, Josue]
Kailan ba tunay na sasaya? (Yah)
(Kailan ba sasaya?)
Maging malaya sa takot at pangamba
Oh, no, yeah, yeah, woah (Kailan?)
Dami nang pinagdaanan (Daming pinagdaanan)
Na 'di ko inaasahan na malalagpasan
Oh, no, yeah, yeah, yeah, yeah
Ipipikit ko ang aking mata
At mananalangin sa mahabaging Ama (Mahabaging Ama)
Oh, no, yeah, yeah, woah (Kailan?)
Kailan ba tunay na sasaya? (Kailan ba sasaya?)
Maging malaya sa takot at pangamba
Oh, no, yeah, yeah, yeah, yeah