Arthur Miguel
Pasahili (para sa hindi pinili)
[Verse 1]
Ilang kanta pa ba ang aawitin mo?
Ilang libro pa ba ang tatapusin mo?
Alas-dose ng umaga, nakahiga sa kama
Naghihintay ka lamang sa wala

[Verse 2]
Hindi ka ba na papagod, sinta?
Ginawa mo naman lahat, wala pa rin talaga
Hanggang saan kaya ang kaya?
Hanggang kailan aasa?
Kahit alam mo, 'di ka niya

[Chorus]
Pipiliin
Susunduin
Ibigay mo man lahat
Mahalin mo nang sapat
Kung 'di ikaw ang gusto
'Di ikaw ang gusto
'Wag pilitin
Ang 'di para sa'tin
Tanggapin mo ang lahat
Mabigat o magaan
Dahil kung para sa'yo
Para sa'yo
[Verse 3]
Paano ka kaya nabubuhay
Sa mga pangakong binitawan na laging sablay?
At sa pag-ibig na 'di tama, paninindigan nga ba?
Paano umaasa kung wala namang mapapala?

[Verse 4]
Tingnan sarili mo, 'yan ba talaga ang 'yong gusto?
Luha dito pati doon, puso'y 'di na naghihilom
Tunay na pag-ibig ang minimithi
Kalimutan mo na dahil alam mong 'di ka

[Chorus]
Pipiliin ('Di ka pipiliin)
Susunduin (‘Di ka susunduin)
Ibigay mo man lahat (Ibigay, ibigay)
Mahalin mo nang sapat (Mahalin man ng sapat)
Kung 'di ikaw ang gusto, 'di ikaw ang gusto (‘Di ikaw ang gusto)
'Wag pilitin (‘Wag na pang ipilit)
Ang 'di para sa'tin (Ang ‘di para sa’tin)
Tanggapin mo ang lahat (Tanggapin, tanggapin)
Mabigat o magaan (Mabigat o magaan)
Dahil kung para sa'yo (Para sa'yo)
Para sa'yo

[Instrumental]
[Outro]
Para sa mga hindi pinili
Masakit sa umpisa, alam ko
Pero alam ko din na kakayanin mo
Okay lang 'yan, darating din 'yung panahon na ikaw naman 'yung sasaya
Basta, ingatan mo 'yung sarili mo, ha?
Magtiwala ka lang sa Kanya kasi lahat ng pinagdadaanan mo ngayon, may magandang kapalit 'yan
Naniniwala ako
Naniniwala ako sa'yo