Arthur Miguel
Bawat Taon
[Verse 1]
Lumipas na ang
Mga gabing nag-iisa
Hindi ko namalayan
Nand'yan ka lang pala
Lumiliwanag
Ang paligid sa'yong mata
Ba't 'di ko namalayan?
Ikaw na pala, ah-ah

[Chorus]
Ikaw sa bawat luha
Pagtahan at pahinga
Lumamig man aking mundo
Ikaw ang panlamig ko
Magbago man panahon
Mananatiling sa'yo
Ikaw pa rin at ako
Ikaw palagi sa bawat taon

[Verse 2]
Ligaya ang hanap
Ngunit bulag ang paningin
Tuloy nangungulila
Hindi ka napansin
Nand'yan ka pala
Nagniningning
Ang yakap mo ang nagsilbing
Liwanag ko sa dilim
[Chorus]
Ikaw sa bawat luha
Pagtahan at pahinga
Lumamig man aking mundo
Ikaw ang panlamig ko
Magbago man panahon
Mananatiling sa'yo
Ikaw pa rin at ako
Ikaw palagi sa bawat taon

[Post-Chorus]
(Mula noon hanggang ngayon)
Sa bawat taon
(Mula noon hanggang ngayon)
(Ikaw, ikaw, ikaw)

[Bridge]
Kahit pa hindi
Na tulad ng dati
Sasamahan ka pa rin sa pag-awit
At kung ang mundo'y galit

[Chorus]
Hindi ka mag-iisa
Sabay tayong luluha
Lumamig man ating mundo
Ikaw ang yakap ko
Magbago man panahon
Mananatiling sa'yo
Ikaw pa rin at ako
Ikaw palagi, tayo palagi sa bawat taon