Kapuso Singers
Puso Ng Saya
[Verse 1: Julie Anne San Jose]
Kay daming nagugutom
Ang iba ay walang bahay
Hindi na natapos-tapos mga kalsadang hinuhukay
Mga bilihin ay kay taas, heavy-traffic rin ay wagas
Laging baha tuwing may bagyo
Apaw rin ang walang trabaho
[Pre-Chorus: Jose Manalo, Wally Bayola]
Pero iba ang Pinoy kapag nahihirapan
Kahit isipin man nilang tayo'y nasisiraan
Minsan nagulat ka, hassle ay nalimutan
Nakuha mo pa rin kasing
[Chorus: All, Girls, Boys]
Tumawa kahit na may problema
Sapagkat nasa puso ng bawat Pinoy ang tunay na saya
Nakuha pa ring tumawa
Kahit na may problema
Dahil ako, ikaw, sila, lahat tayo ay taglay
Ang puso ng saya, ang puso ng saya
Ang puso ng saya, ang puso ng saya
[Verse 2: Pekto, Gladys Guevarra]
Nagtitiis sa malayo si tatay
Ibang anak ang alaga ni nanay
Sina Totoy at Nene, imbes na nasa eskwela
Ayun nabibingi sa gitna ng gyera
[Verse 3: Julie Anne San Jose, Jerald Napoles]
'Di matitibag ng kahit na ano
Basta may pusong masaya na kagaya nito
Tingnan mo ang iyong paligid nang iyong makita
Si kuya mong bungi tumatawa pa
Si ate na nabyuda, nagzu-zumba na
Pagkatapos madapa tiyak babangon ka
Eh 'di naman ako sa 'yo magtataka
Puso mo ay masaya, Pilipino ka
[Pre-Chorus: Ai Ai Delas Alas, Alden Richards]
Pero iba ang Pinoy kapag nahihirapan
Kahit isipin man nilang tayo'y nasisiraan
Minsan nagulat ka, hassle ay nalimutan
Nakuha mo pa rin kasing
[Chorus: All]
Tumawa kahit na may problema
Sapagkat nasa puso ng bawat Pinoy ang tunay na saya
Nakuha pa ring tumawa
Kahit na may problema
Dahil ako, ikaw, sila, lahat tayo ay taglay
Tumawa kahit na may problema
Sapagkat nasa puso ng bawat Pinoy ang tunay na saya
Nakuha pa ring tumawa
Kahit na may problema
Dahil ako, ikaw, sila, lahat tayo ay taglay
Ang puso ng saya, ang puso ng saya
Ang puso ng saya, ang puso ng saya
[Outro: All]
Ang puso ng saya