PABLO (SB19)
Go Up
[Intro: Sejun]
Yeah, we gonna go up
Yeah, yeah, we gonna go up (R-r-real recognize real)

[Verse 1: Ken, Justin]
Tanging liwanag ang nakikita
Sa t'wing ipipikit aking mata
Bituin ko'y lalong nagniningning sa dilim
Walang makakapigil

[Pre-Chorus: Stell, Josh]
Ito'ng aking pinapangako, hinding-hindi susuko
Kahit pa 'ko'y mabigo, yeah, make me
You know I'm ready (Ready, ready)
Co— co— come on and test me

[Chorus: Sejun, Stell, Ken, All]
Yeah, we gonna go up
Ibibigay ko ang aking puso
Sa pag-abot ng pangarap, 'di hihinto
Handa kong harapin ang lahat, yeah
Kahit pa imposible
Yeah, we gonna go up (We go up)
Yeah, yeah, we gonna go up (We go up)
Kahit ilang beses pang matumba
Yeah, we gonna go up
[Verse 2: Ken, Sejun]
Nangarap nang bukas mga mata, yeah (Yah, yah, yah, ooh)
Lumakad nang may bubog sa paa, yeah (Ayy, ayy, oh, oh)
Lahat ng iyong pagdududa (Duda)
Pakpak ko parang kay Garuda (—ruda)
'Cause I'm gonna go up (Brrah)

[Pre-Chorus: Sejun, Justin]
Naglaho na'ng takot sa puso, pagkabigo'y malabo
Tagumpay nasa dugo, ako'y positibo
You know I'm ready (Ready, ready)
Co— co— come on and test me

[Chorus: Sejun, Stell]
Yeah, we gonna go up
Ibibigay ko ang aking puso
Sa pag-abot ng pangarap, 'di hihinto
Handa kong harapin ang lahat, yeah
Kahit pa imposible
Yeah, we gonna go up

[Bridge: Justin, Stell, Josh]
Kahit ano'ng mangyari ako ay tatakbo
Patungo sa liwanag na tanging ninanais ko
Bawat sandali, turing ko ay parang huli, yeah, yeah
Oh, ito'ng galawang saliwa sa ilog na brr-rumaragasa, uh
'Di ko na kailangan bumangga
Tutal naman kayo'y diretso pababa na
Delikado sa entablado, syamnapung porsyento, bigay-desperado, uh
Yeah, we goin' nowhere but up, nowhere but up
[Chorus: Sejun, Stell, Ken, All]
Ibibigay ko ang aking puso (Aking puso)
Sa pag-abot ng pangarap, 'di hihinto ('Di hihinto)
Handa kong harapin ang lahat, yeah
Wala nang imposible
Yeah, we gonna go up (We go up)
Yeah, yeah, we gonna go up (We go up)
Kahit ilang beses pang matumba
Yeah, we gonna go up