PABLO (SB19)
​​AKALA
[Verse 1: Josue]
Paabot naman ng alak, pare, tara walwalan
Dami ko na ngang dapat
Na ginagawa na nararapat
Pero please, isa pang shot
Gusto ko pang malasing ng todo para makatakas sa reyalidad
'Lam kong hindi ito ang sagot, nais lang maabot ang alapaap
Bakit ba ang dami-daming taong gustong kunin ang sarili
Tapos 'kaw pa 'tong mali?
'Pag sinabi mo'ng lahat ng 'yan ay makakaya
At lilipas din lahat, halika nga dito, pare
Buhay ay ganyan talaga, mahilig siya manghila pababa
Sakyan mo lang hanggang magsawa
D'yan mo rin naman makukuha
At matututunan kung paano abutin ang mga tala

[Pre-Chorus: Pablo with Josue]
Oh, pare, tingnan mo
Tuloy ang pag-ikot ng mundo (Yeah)
Kaya itagay mo
Bukas babangon rin naman tayo (Yeah)
Pero 'di lang sa ngayon

[Chorus: Josue, Pablo]
Alak, akala ko mawawala
Sa walwal ang lahat
Ng aking problema
Alak, akala ko mawawala
Sa walwal ang lahat
Ng aking problema
[Post-Chorus: Pablo, Josue]
Shat!
Alak, akala (Alak, akala)
Alak, akala (Alak, akala)
Ko mawawala– (Wala), –hat ng aking problema
Alak, akala (Alak, akala)
Alak, akala (Alak, akala)
Ko mawawala– (Wala), –hat ng aking problema

[Verse 2: Pablo]
Unang tikim pa lang, 'di ko na nagustuhan
Kailangan ko pa bang isama 'yan
Sa bagay na dapat ko na matutunan?
Kulang na, kulang pa ang aking kaalaman
Puso'y nanlalaban
'Di ko na nga alam sa'n pa pupuntahan
Siguro nga ito lang ang sagot
Yeah, juice, juice, jusko po
'Di ko na malaman ang gusto niyo
Gusto ko lang subukan na maging ako
Ng walang panghuhusga sa mga mata niyo
'Di inakala, mawawala ang bahala
Buti pa rito may tama
Pare, ibuhos mo, 'yung juice lang

[Pre-Chorus: Pablo with Josue]
Oh, pare, tingnan mo
Tuloy ang pag-ikot ng mundo (Yeah)
Kaya itagay mo
Bukas babangon rin naman tayo (Yeah)
Darating ang panahon
[Chorus: Josue, Pablo]
Alak, akala ko mawawala
Sa walwal ang lahat
Ng aking problema
Alak, akala ko mawawala
Sa walwal ang lahat
Ng aking problema

[Post-Chorus: Pablo, Josue]
Shat!
Alak, akala (Alak, akala)
Alak, akala (Alak, akala)
Ko mawawala– (Wala), –hat ng aking problema
Alak, akala (Alak, akala)
Alak, akala (Alak, akala)
Ko mawawala– (Wala), –hat ng aking problema

[Interlude: Pablo, Josue]
Oh, ikaw na
Ako na, ako na
Ako naman, ako naman
Sakto na naman, oh, kitang-kita, oh
Ito sukatin natin
'Eto naman puro pulutan hinahanap
Ganyan talaga 'pag ano
Tara na, tara na, tara, tara
Haha, let's go
[Refrain: Pablo & Josue]
Oh, ooh-woah, woah-woah
Oh, ooh-woah, woah, ooh-woah

[Post-Chorus: Pablo, Josue]
Shat!
Alak, akala (Alak, akala)
Alak, akala (Alak, akala)
Ko mawawala– (Wala), –hat ng aking problema
Alak, akala (Alak, akala)
Alak, akala (Alak, akala)
Ko mawawala– (Wala), –hat ng aking problema

[Refrain: Pablo & Josue]
Oh, ooh-woah, woah-woah
Oh, ooh-woah, woah, ooh-woah