As performed on July 29, 2023, PAGTATAG! World Tour Concert, Los Angeles, USA
[Intro]
Sa daming iniisip ay hindi ko maipaliwanag ang bigat ng aking nadarama
At sa aking paglaban para bang lalo akong unti-unting hinihila pababa
Anong mali sa buhay? Puso kong nangangamba at ano mang oras ay puputok na
Ba-ba-ba-ba-ba-ba-ba, kaya pa ba-ba-ba-ba?
[Verse 1]
Pagod na sa paglakad ang aking mga paa
'Di ko naman alam kung sa'n papunta
Ako'y nawawala na, gusto ko na mawala na
Nang lahat ng ito'y matapos na
Ginawa ko naman ang lahat pero 'di pa rin sapat
Ako'y hirap na hirap nang huminga
Ba-ba-ba-ba-ba-ba-ba
Ano pa ba-ba-ba-ba?
[Pre-Chorus]
'Di ko maintindihan, tinik sa'king lalamunan
Pa'no nga ba maiibsan bigat ng aking nararamdaman?
Gusto ko nang sumuko, 'di na kaya ng puso
Nagdidilim na'ng paligid ko
Wala akong magawa, nahulog na sa isang
[Chorus]
Kumunoy, ito'ng pakiramdam ng nasa kumunoy
Lalo lang lumalala, pilitin ko mang lumangoy
'Di pa ako nakakita pero 'lam kong ito'y kumunoy
Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy
Nawawala na ang liyab at init ng aking apoy
'Di ko na alam kung pa'no ko pa nga itutuloy
'Di pa 'ko nakakita pero 'lam kong ito'y kumunoy
Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy
[Verse 2]
'Di na bago sa'kin ang pakiramdam ng nasa baba
Mabigat ang dala dahil ang puso'y bato na
At habang buhay kong papasanin
Habang buhay din ba 'kong mananatili sa baba?
Pero ayaw ko na, ayoko na sa baba
Kahit may boses pa na magsabi, "'La kang kwenta"
Alam kong may pag-asa, liwanag nakikita
Paulit-ulit na pasakit, naghahanap ng himala
Patuloy akong lalangoy sa dagat ko ng luha
Gano'n-gano'n lang, ano ba'ng inaakala niyo?
Teka, sakit sa tenga, puno na ang bodega
Wala nang paglalagyan ng inyong mga panira
Matagal ko na ring iniisip 'to
Sabihin niyo nga sa'kin kung anong mali ang ginawa ko
Pakiusap, lubayan niyo na 'ko
Lubayan malabo? 'Nong magagawa ko?
[Pre-Chorus]
'Di ko maintindihan, tinik sa'king lalamunan
Pa'no nga ba maiibsan bigat ng aking nararamdaman?
Gusto ko nang sumuko, 'di na kaya ng puso
Nagdidilim na'ng paligid ko
Wala akong magawa, nahulog na sa isang
[Chorus]
Kumunoy, ito'ng pakiramdam ng nasa kumunoy
Lalo lang lumalala, pilitin ko mang lumangoy
'Di pa ako nakakita pero 'lam kong ito'y kumunoy
Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy
Nawawala na ang liyab at init ng aking apoy
'Di ko na alam kung pa'no ko pa nga itutuloy
'Di pa 'ko nakakita pero 'lam kong ito'y kumunoy
Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy
[Bridge]
Oh-ooh-woah, kinakailangan ko ng tulong mo, oh
Pasensya na't nakalimutan ko na
Lagi lang kayong nariyan sa aking tabi
Pamilya, kaibigan na nagmamahal, nagsisilbing
Ilaw sa tuwing magulo kong mundo'y nagdidilim
Salamat, oh, aking Ama, ako'y makakaahon din
[Chorus]
Kumunoy, tuluyan nang mawawala ang kumunoy
Kita ko na'ng liwanag kaya patuloy lang sa paglangoy
'Di pa 'ko nakakita pero 'lam kong ito'y kumunoy
Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy
Muli uling magliliyab at init ng aking apoy
'Di ko man alam dala ng bukas, ang sagot, puhon
'Di pa 'ko nakakita, 'lang pake kung ito'y kumunoy
Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy
[Outro]
Salamat, oh, aking Ama
Patuloy ang paglaban sa
Aking isipan napupupuno na ng kadiliman