JMara
HUNGHANG
[Chorus: JMara]
Ang dami ng mapanlinlang, depende na lang 'yan sa pakinabang
Mga sabik matamo, mga gustong umabot
Diyos ko po! Pinagmukha na tayong hunghang
Ang dami ng mapanlinlang, depende na lang 'yan sa pakinabang
Mga sabik matamo, mga gustong umabot
Diyos ko po! Pinagmukha na tayong hunghang
(Yeah!)

[Verse 1: Palos]
Isang pangangamusta sa mga anak
Na 'di malaman ang hulma ng kanilang hinaharap
Lakas pumorma animo'y nakakaakit na talulot
Sa sitwasyon nilang daig pa bahay ng bubuyog
Kabataang 'di dumanas sa kalsada magtinda
Lakas loob na manira ng hanapbuhay ng iba
Sa'yo ako nakaharap, 'wag kang umastang bingi
Perang gamit pambisyo sa nanay pa hinihingi
Pinag-aral ng magulang, panggugulang ang inaral
Maaliwalas na pagmumukha, skwating ang asal
Edukadong naturingan may maayos na balabal
Pag-asa ng bayan ang pangunahing sasagabal
Misyon mong mag-ala konsi bat naging konsimisyon?
Sa pag-usad ng bansang may mataas na ambisyon
Palagay ko nga, totoo lahat ng binibiro
Kaya bayan ni Juan kasi tamad ang Pilipino
[Chorus: JMara]
Ang dami ng mapanlinlang, depende na lang 'yan sa pakinabang
Mga sabik matamo, mga gustong umabot
Diyos ko po! Pinagmukha na tayong hunghang
Ang dami ng mapanlinlang, depende na lang 'yan sa pakinabang
Mga sabik matamo, mga gustong umabot
Diyos ko po! Pinagmukha na tayong hunghang

[Verse 2: Palos]
Kamusta din ang mga taong may hangarin na malinis?
Hindi halatang madumi kasi panay ang bihis
Kapag sa'tin humarap, laging bago ang balat
Tinatago ang burdang sa atin ay nakangarat
Alagad daw ng batas, pero parang may sablay
Sa kamay nilalagay kaya merong namamatay
Ibang klaseng magsasaka sila kung 'di nyo napansin
Umaani ng sagana kasi sa'tin nagtanim
Bagong bayani kuno, nagtataguyod daw ng tama
'Pag aking isiniwalat ako'y sasalo ng bala
Tapos sasabihin sa'kin 'di lahat ganyan gano'n
Kung totoo, bakit 'di ko man lang naranasan 'yon?
'Di naman purong banal pero kung tatanungin nyo 'ko
Diyos ba ang susunod sa aral na gawa ng tao?
'Pag mayaman negosyante tawag, 'pag mahirap, tulak
Benta mo palasyo mo para may pambili kang utak