JMara
KONEKTAO
[Verse 1: Palos]
Binuhay ang hayop at tao sa paglaon
Pagtapos ng halaman namumunga na kahoy
Sangkap ang kaalaman lakip ay pagbabago
Kasangkapan ang lobo sa unang pangangaso
Di mo ba nakukuha may aral na napupulot
Kaylangan mo lang matutong lakaran ang itinuro
Pagdaka'y mapagtantong nahawakan na ang ginto
Alay ang kaloob sa naghanay at bumuo
Mahalay na pakinabang higit pa sa salapi
Makasama muna sa kama hakbang nya sa pagkamit
Nagkabit ng pundasyong kakapit sa ambisyon
Manggamit ng koneksyon hanggang dawit sa korapsyon
Maling pakiramdam kung sa tingin mo ay tama
Sa halip na inalam nasa liblib na ang masa
Dalisay na impormasyon ika'y masasaktan
Isang bagsak na lang kung ayaw mo ng hulugan

[Chorus: JMara]
Alam mo dapat! Halika hoy!
Baka masunog ka kapagka-nagliyab ang apoy
Lahat isipin mo munang mabuti bago mo sugalan
Hindi lang ikaw ang anak ng...

[Verse 2]
Hampas ng lubid aalon sa dulo
Kung pasaan din ang hangarin ng puso
Pintig ng dibdib alaala sa ulo
Upang damahin sa bawat pagkatuto
Oras na rin upang malimitahan
Ang paghakbang ng pasulong baka makaligtaan
Iba pa rin ang sa gulong nasanay paibaba
Paitaas ay naroon ang pinanggalingan ng
Lakas ng loob kahinaan ng isipan
Ang mga kadugo ay paglaanan ng sipag
Di mapapaluhod ng mga paghihirap
Kahit na kasunod suliranin wag manghina
Sarili dapat di ikahon, ano mang narating ituon, mga nalalabing panahon
Para pumikit ang sarili
Sulitin ang panandaliang koneksyon
[Chorus: JMara]
Alam mo dapat! Halika hoy!
Baka masunog ka kapagka-nagliyab ang apoy
Lahat isipin mo munang mabuti bago mo sugalan
Hindi lang ikaw ang anak ng...