[Chorus]
'Wag maniwala d'yan, dito ka sa'kin makinig
Lahat ng 'yan ay hindi padadaig
Samu't saring kung anu-ano kanya-kanyang padale
Mag-ingat ka baka d'yan ka pa madale
'Wag maniwala d'yan, dito ka sa'kin makinig
Lahat ng 'yan ay hindi padadaig
Samu't saring kung anu-ano kanya-kanyang padale
Mag-ingat ka baka d'yan ka pa madale
[Verse 1]
Maniniwala ka ba d'yan, dito ka sa'kin makinig
Mas mabilis pa sa kartero, mga komentaryo kong hatid
Madaling araw kumulo, hanggang ngayon, mainit pa rin
Laging bukang-bibig, kanton nitong mga kulang sa pansit
Walang ipapantay na rima, para 'di tunog imbento
Dapat ako ang lamang, tinaguriang pinakamalayang preso
Sastreng gamit ay gantsilyo sa pagtatahi ng kuwento
Katotohanang walang kwenta, kasinungalingang may presyo
Talas ang dila sa mga purol ang isip
Bubusalan ng salapi para lamang ako ay manahimik
Nasa puwesto lang sila pero wala sa katayuan
Tanong kung nayabangan ito o tinagnabayan
Maayos ako manghayop, tiyak sira ang pagkatao mo
Pagtitinginan ka parang singkit na biglang naubo
Walang balat-sibuyas 'pag ako ang nagbalat-kayo
'Pag pumikit ka na, saka lamang may sisilip sa'yo
[Chorus]
'Wag maniwala d'yan, dito ka sa'kin makinig
Lahat ng 'yan ay hindi padadaig
Samu't saring kung anu-ano kanya-kanyang padale
Mag-ingat ka baka d'yan ka pa madale
'Wag maniwala d'yan, dito ka sa'kin makinig
Lahat ng 'yan ay hindi padadaig
Samu't saring kung anu-ano kanya-kanyang padale
Mag-ingat ka baka d'yan ka pa madale
[Verse 2]
May kuwentong magpapantay
Sa loob at labas ng kulturang siksikan
Modernong galawang may palabas
Kung hangga't pataas ang pag-ibig gintong karangalan, ay
Para lamang sa mga bitaw at pasikat habang may nag-aantay
Mga nilalang na likas na masikap
Bagong balagtasan ng mga lipi, sa siraan ng kadiin
Nagsisilabasan ang mga lihim ng paraan para lang manaig
Nagpapataasan ng mga ihi, puro dumi nalabas sa bibig
Hangad agad umakyat sa kalangitan itong mga buhay na inip
Hunghang lang sa'yo'y maniniwala
Lilitaw ang tungkab ng pagtatagong ipinatag
Pusong may lagablab pa rin ang siyang mangingibabaw
Sa bawat pagaspas, prinsipyo ay naiingatan
Inayawan ang salaping galing sa tanggapang gahaman
Nakatapatan sa galing-galingan, may malaking kalamangan
Magkita tayo sa huli, doon mo lamang malalaman
Dapat may ipong-panukli, buong-buo kami magbayad
[Chorus]
'Wag maniwala d'yan, dito ka sa'kin makinig
Lahat ng 'yan ay hindi padadaig
Samu't saring kung anu-ano kanya-kanyang padale
Mag-ingat ka baka d'yan ka pa madale
'Wag maniwala d'yan, dito ka sa'kin makinig
Lahat ng 'yan ay hindi padadaig
Samu't saring kung anu-ano kanya-kanyang padale
Mag-ingat ka baka d'yan ka pa madale
[Interlude]
Pag-isipan mo munang mabuti
Kung kaninong panig ka nga ba dapat sumali
Napakadalang na 'di mo malaman
Kung sino ba talaga dapat na napakadaming
Hindi mo nakita kung paano ko ba talaga
Dapat hindi mo mala—
Ano, 'wang kang malito
Sa'min ka lang makinig, ganito lang 'yan, oh
Ooh