YARA (PHL)
PARA
[Intro: Christa, Kim]
YARA
To the top

[Verse 1: Rocher, Gelou]
Mula bata hanggang paglaki aking naranasan
Buhay na parang naglalaro lang sa liwasan
Pero bakit nung nagdesisyon para sa sarili
Tila ba nagbago ang ihip sa mundo kong pinili
At lahat ng dikta naging sunod-sunuran
Sa kagustuhang maging anak nilang huwaran
Ngunit sa puso't isip, 'lam ko na, hindi 'to wais
Nabubuhay sa mundong saliwa sa aking nais
Bam-bam, lahat nasa balikat ko
Nakalimutan yatang tao lang, hindi perpekto
No choice, kaya pa? O kaya ba?
Dahil kung hindi man, aba sinong gagawa?

[Pre-Chorus: Kim, Gelou]
Kung meron nga, nasa'n ba siya?
Bakit wala akong makita?
Imulat ang mga mata, kayanin ang dala-dala
'Pagkat sa kabilang banda kaya nandito ay baka
Kaya ko pala talaga kaya ito'y nakatadhana

[Chorus: All, Christa]
Yara, Yara, hindi papara
Sumayaw, halina, tara (Hey)
Yara, Yara, kayo'y sumabay
'Pag kami'y binaliktad, kayo'y mapapaaray (Uh)
Yara, Yara, tagal naghintay
Humanda at itaas ang kamay
Yara, Yara, hindi mo kaya
Itabi mo, ako'y babara
[Verse 2: Christa]
Pinukpok ng martilyo, 'sing bigat ng salita niyo
Parang nabutas na lobo, lumalaban, sumusulong
Kahit na unti-unting nauubos ang hangin
Ang pagkabuhay ng lobo'y magpapaalam na rin
At para sa'n, para ba kanino? (Kanino?)
'Di tataob sa bawat pagsubok
Walang kaba, hindi katakot-takot
Dahil hindi na tayo pwedeng paikot-ikot

[Pre-Chorus 2: Kim & Gelou, Kim]
Sa mga titig na mula sa kanilang mata
Sa mga tinig na iba ang idinidikta
Pagkalabis ang nadarama
Pawi sa entablado'y tila sigwa, 'di makita
Hakbang na iniwan, nagsilbing gabay na paraan
Patungo sa pangarap kung saan puno ng ilaw
Tila alapaap, para ba-ang lumulutang
T'wing aapak ang mga paa
Ramdam na langit doon ay matatanaw

[Chorus: All]
Yara, Yara, hindi papara
Sumayaw, halina, tara (Hey)
Yara, Yara, kayo'y sumabay
'Pag kami'y binaliktad, kayo'y mapapaaray (Uh)
Yara, Yara, tagal naghintay
Humanda at itaas ang kamay
Yara, Yara, hindi mo kaya
Tabi kayo, kami'y babara
[Bridge: Kim, Gelou, All]
Para saan? (Para) Para kanino? (Para) Para saan?
Para patunayan na kaya ko, oh
Para saan? Para kanino? Para saan?
Kahit sa sarili ay hindi na papaawat

[Insrumental / Dance Break]

[Outro: All]
Kahit sa sarili ay hindi na papaawat