[Intro]
Mannix Music
[Verse 1: Tyrone, SevenJC]
Sadyang natural ang pagkayari
Gandang katangi-katangi, walang kawala 'yung puso mo
'Pag sa mga Pinay natali, 'pag nagkagat labi
Patay ka sa karikitang binibida, dekalidad walang katulad
'Yan ang gandang Pilipina, kasi nga napakasolid
'Pag taga-Pilipinas 'yung dalaga, alam mo agad na sulit
'Yung pagmamahal mo at alaga, lalayo ka pa ba?
Eh nandito na nga, ayan, oh, mamahalin mo na lang
'Di ka na lugi, promise kapag sa Pinay mo pinili umabang
Sigurado na pag-ibig ang lalasapin mo
At katapatan masasalamin mo
Kapag Pilipina ang mamahalin mo
At pakakaingatan na para bang ginto, tila ba napapahinto
Oras kapag sila ang na sa'yong harapan, oh 'di ba?
Matik na ang kaligayahan na iyong mararadaman, na-na
(Oops, teka, teka, teka)
[Chorus: Guthrie]
Hindi siya Amerikana, hindi rin siya Koreana
Hindi isang Britanya, hindi rin taga-Kenya
Siya ay Pilipina na isang morena
Pwede ring mestisa, nakakagayuma
Hindi siya Amerikana, hindi rin siya Koreana
Hindi isang Britanya, hindi rin taga-Kenya
Siya ay Pilipina, isang Maria Clara
Pwede ring chinita, nakakagayuma
[Verse 2: Benedic]
Isang Pilipina na perpekto ang pagkahulma
Sa kaniyang kagandahan 'di ka na magtataka
Malusog na puno at sagana ang mga bunga
Kaya 'pag nakita mo talagang ikaw ay madadala
Kaya bigla nabuo na talaga ang aking mundo
Kasi nasilayan ang pangarap ko
Binibini, mahiwaga, makinang ka pa sa tala
Talagang hindi ka maalis sa isip ko
Napakasaya 'pag siya na ang naging regalo
Isasama ko na siya sa aking mga plano
Hanggang sa makasakay kami sa eroplano
Kaya dapat dito siya sa piling ko
Dadalhin ka sa dambana, sa buhay ako'y handa na
Papakasalan at mamahalin nang sagad
Basta't ikaw ay magtiwala
Kaya ngayon 'di na papakawalan pa
Ang natatangi kong prinsesa
'Di kita bibigyan ng mga dilemma
Basta para lang sa isang Pilipina
[Chorus: Guthrie]
Hindi siya Amerikana, hindi rin siya Koreana
Hindi isang Britanya, hindi rin taga-Kenya
Siya ay Pilipina na isang morena
Pwede ring mestisa, nakakagayuma
Hindi siya Amerikana, hindi rin siya Koreana
Hindi isang Britanya, hindi rin taga-Kenya
Siya ay Pilipina, isang Maria Clara
Pwede ring chinita, nakakagayuma
[Verse 3: SevenJC]
Pinay lang sakalam
Bukod tangi na mapagmahal at bakit pa lalayo
Kung nandito naman sa tabi mo ang magpapaligaya
At siya ang bubuo, pinapangarap
Imposibleng hindi ka sa kanila magkagusto
'Di ka makakahanap ng katulad nila
Saan mang lupalop ng mundo (Boom!)
'Di kailangan mag-out of town
Sa ganda nila mula up to down
Kutis Pilipina, white or brown
Talaga namang swabe like this sound
Walang sabit, walang bakit, 'pag lumapit
Kakaakit parang langit ang imahe't pagkagamit
Ng ngiti niya talagang nakakaadik, hanep
Sana dumating 'yung panahon na para sa'kin
At mamahalin ko talaga siya ng lubos
Pilipina na pinapangarap ko
Aking hiling at palagi ko na pinapasa-Diyos
'Di mo siya maihahalintulad sa ibang lahi
Kaya tandaan mo lang palagi na
[Chorus: Guthrie]
Hindi siya Amerikana, hindi rin siya Korеana
Hindi isang Britanya, hindi rin taga-Kenya
Siya ay Pilipina na isang morena
Pwedе ring mestisa, nakakagayuma
Hindi siya Amerikana, hindi rin siya Koreana
Hindi isang Britanya, hindi rin taga-Kenya
Siya ay Pilipina, isang Maria Clara
Pwede ring chinita, nakakagayuma
[Verse 4: Guthrie]
Siya ang Pilipina, nakakatunaw ang tingin
Sa lahat ng lahi, siya ang naiiba't nagniningning
Nakakaakit talaga natural ang ganda niya
Sa lahat ng may ganda, sa Pinay ko lang nakita
'Di man katangusan pero siya'y katangi-tangi
Para siyang anghel na lumalarawan sa langit
Ginto siya kung tawagin, isa siyang mamahalin
Tinataglay niya'y 'di ko na kailanman makikita sa iba
Nakatitig sa kaniya, ako'y baliw na nga
'Di kasi nila mapantayan karisma niyang dala
Mahinhin pa magsalita, napaka-cute ng boses niya
Sabay paghawi ng buhok, bumabagal sa aking mata
[Chorus: Guthrie]
Hindi siya Amerikana, hindi rin siya Koreana
Hindi isang Britanya, hindi rin taga-Kenya
Siya ay Pilipina na isang morena
Pwede ring mestisa, nakakagayuma
Hindi siya Amerikana, hindi rin siya Koreana
Hindi isang Britanya, hindi rin taga-Kenya
Siya ay Pilipina, isang Maria Clara
Pwede ring chinita, nakakagayuma