Humprey Lofranco
Nagloko Ka Rin Naman
[Verse 1]
Lagi kang naghihinala
Sabi ko hindi na tama
'Yun pala ikaw 'yung may ginagawa
'Kala mo hindi ko malalaman
Ang sikreto lalabas pagkatagalan
Kaso mali 'yung kinukwento mo at nalaman ko na
[Pre-Chorus]
Kasi kinakalat mo na ako 'yung nagloko
Tama ba 'yan?
Eh kaso lang ngayon malalaman na 'yung totoo
Patay ka d'yan
[Chorus]
Nagloko ka rin naman
'Di ka lang nahuli
Pero bakit sa'kin mo lahat isinisisi?
Madami kang kakulangan
Alam mo sa'yong sarili
'Di ko kasalanan kung hindi ka nanatili
[Post-Chorus]
Kaya 'wag mo akong sisihin, 'di ako ikaw
Ikaw ang siyang nagkulang
'Wag mo 'kong paratangan, hindi ko kasalanan
Kasi ikaw, ikaw, ikaw ang siyang nagtulak
Wala kong kasalanan, 'wag mo 'kong paratangan
[Verse 2]
Ang dami mong iniimbento
Puro lang mali ko 'yung ikinukwento
Para lang magmukhang mabait sa tao
Sarili mo na baho 'yung tinatago
Hoy, teka lang, 'wag ka nang magmalinis
Alam mo din kung anong aking tiniis
Hinihintay mo lang akong magkamali
At 'yun ang gagawin mong dahilan para makaalis
[Pre-Chorus]
Kasi kinakalat mo na ako 'yung nagloko
Tama ba 'yan?
Eh kaso lang ngayon malalaman na 'yung totoo
Patay ka d'yan
[Chorus]
Nagloko ka rin naman
'Di ka lang nahuli
Pero bakit sa'kin mo lahat isinisisi?
Madami kang kakulangan
Alam mo sa'yong sarili
'Di ko kasalanan kung hindi ka nanatili
[Post-Chorus]
Kaya 'wag mo akong sisihin, 'di ako ikaw
Ikaw ang siyang nagkulang
'Wag mo 'kong paratangan, hindi ko kasalanan
Kasi ikaw, ikaw, ikaw ang siyang nagtulak
Wala kong kasalanan, 'wag mo 'kong paratangan