[Verse]
Sabay nating nilipad ang malawak na himpapawid
Tila abot langit ang pinaramdam mong saglit na pagibig
Nakangiting nag papadala sa ihip ng mga kasinungalingan
Nagtatakang unti-unti mo na akong binibitawan
[Refrain]
Ating munting kalawakan
Ay biglang pinalibutan
Ng dalita’t kapanglawan
[Chorus]
Ang pag alis na hindi ninais
Ang dating tamis na naging labis na paghihinagpis
Ang pagbalik na hindi na mapipilit
Ang pasya ng tadhana ay hindi na maaaring mabago pa
[Verse]
Sabay tayong nagpadala sa agos ng hangin
Ngunit paglingon ay isang puwang ang tanging naiwan
Sinasabayan ng langit ang naguguluhan na isipan
Unti-unting pumapatak ang ulan ng kalungkutan
[Refrain]
Ating munting kalawakan
Ay biglang pinalibutan
Ng dalita’t kapanglawan
[Chorus]
Ang pag alis na hindi ninais
Ang dating tamis na naging labis na paghihinagpis
Ang pagbalik na hindi na mapipilit
Ang pasya ng tadhana ay hindi na maaaring mabago pa
[Bridge]
Ating munting kalawakan (7x)
Ating munting kalawakan
[Chorus]
Ang pag alis na hindi ninais
Ang dating tamis na naging labis na paghihinagpis
Ang pagbalik na hindi na mapipilit
Ang pasya ng tadhana ay hindi na maaaring mabago pa