Hajji Alejandro
Tag-Araw, Tag-Ulan
[Verse 1]
Tag-araw, sa may dagat namasyal
At pagdilim, sa may baybay humimlay
At nagyakap, sabay sa pagsabog ng alon
Sabay sa paghuni ng ibon, saksi ay liwanag ng buwan
'Di ba sabi mo pa, na wala pang iba
Na ako ang una sa pagmamahal mo, sinta?

[Chorus]
At ang buhay nating dal'wa ay nagbunga
Ng makulay na pag-ibig na dakila
Ngunit, bakit ngayong umuugong ang hangi't ulan
'Sing lamig ng gabi ang mga halik mo?
Ni wala nang apoy titig mo sa akin
Naglaho ba ang pagmamahal mo, sinta?

[Interlude]
Hindi ko rin inaasahan ang mga pangyayari
At dinaramdam ko rin ng husto ang pagkasawi ng ating pag-ibig
Ngunit, kailangan tanggapin natin na ganito ang buhay
Ibig ko lang malaman mo na mahal pa rin kita

[Verse 2]
At nagyakap, sabay sa pagsabog ng alon
'Di ba sabi mo pa na wala nang iba
At sa habang buhay, tayo'y magsasama?
Nakamtan ko ang pagmamahal mo, sinta
[Chorus]
Ngunit, bakit sa tag-ulan ay naglaho?
'Sing lamig ng gabi ang mga halik mo
Ni wala nang apoy titig mo sa akin
Naglaho na ang pagmamahal mo, sinta