Hajji Alejandro
Kay Ganda Ng Ating Musika
[Verse 1]
Magmula no'ng ako'y natutong umawit
Naging makulay ang ating munting daigdig
Tila ilog pala ang paghimig
Kung malalim, damdami'y pag-ibig
Kung umapaw, ang kaluluwa't tinig
Ay sadyang nanginginig (Nanginginig)
[Verse 2]
Magmula no'ng ako'y natutong umawit
Bawat sandali'y aking pilit mabatid
Ang himig na maituturing atin
Mapupuri 'pagkat bukod-tangi
'Di marami ang 'di magsasabing
Heto na't (Heto na't) inyong dinggin (Inyong dinggin)
[Chorus]
Kay ganda (Kay ganda) ng ating musika
Kay ganda (Kay ganda) ng ating musika
Ito ay atin, sariling atin
At sa habang buhay, awitin natin
Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin, sariling atin
[Verse 1]
Magmula no'ng ako'y natutong umawit
Nagkabuhay muli ang aking paligid
Ngayong batid ko na ang umibig
Sa sariling tugtugtin o himig
Sa isang makata'y maririnig
Mga titik, nagsasabing (Nagsasabing)
[Chorus]
Kay ganda (Kay ganda)ng ating musika
Kay ganda (Kay ganda) ng ating musika
Ito ay atin, sariling atin
At sa habang buhay, awitin natin
(Kay ganda ng ating musika) ha, ha-oh
(Kay ganda ng ating musika)
(Ito ay atin) Kay ganda (Sariling atin)
(At sa habang buhay, awitin natin)
Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin, sariling atin
[Outro]
Kay ganda ng ating musika