Rachelle Ann Go
Masasabi Mo Ba
Di mapigil ang pusong ibigin ka
Bakit ba laging hanap kita
Maging sa aking pagtulog ay panaginip ka
Talaga yatang minamahal kita

Ngunit mayro'ng takot na nadarama
Laging may tanong sa puso ko
Sa habang buhay ba'y laging ikaw lang at ako
Hanggang sa kailan ma'y hindi magbabago

Masasabi mo bang tanging ako
Sa bawat sandali, iibigin mo
At 'di pagpapalit kahit kanino man
Pag-ibig mo ba'y ganyan
Laging tapat kailan pa man

Ngunit mayro'ng takot na nadarama
Laging may tanong sa puso ko
Sa habang buhay ba'y laging ikaw lang at ako
Hanggang sa kailan ma'y hindi magbabago

Masasabi mo bang tanging ako
Sa bawat sandali, iibigin mo
At 'di pagpapalit kahit kanino man
Pag-ibig mo ba'y ganyan
Laging tapat kailan pa man

Maipapangako ba na di mo sasaktan
Nais ko na makita at mapatunayan
Ang pag-ibig mo'y tunay bang walang hanggan
At hanggang langit ba ang iyong pagmamahal

Masasabi mo bang tanging ako
Sa bawat sandali, iibigin mo
At 'di pagpapalit kahit kanino man
Pag-ibig mo ba'y ganyan, walang katapusan
Lagi ka bang tapat hanggang sa magpakailan man